#NamamaskoPo: Wilbert Tolentino, Herlene Budol binalikan ang Uganda, namigay ng regalo
BINALIKAN nina Binibining Pilipinas first runner-up Herlene Budol at ng kanyang Talent Manager na si Wilbert Tolentino ang Uganda, Africa upang mamigay ng maagang pamasko sa mga mahihirap na mga bata.
Sa kabila ‘yan ng mga naging masamang karanasan nilang dalawa sa na-postpone na Miss Supranational pageant.
Kung matatandaan ay nakansela ang kompetisyon dahil sa mga naging problema ng pageant.
Ayon pa nga sa ilang mga kandidata ay na-scam umano sila.
Anyway mga ka-bandera, tila kinalimutan na nina Herlene at Wilbert ang nangyari sa kanila kaya naman ay isinama pa nila ang YouTube vloggers na sina Madam Inutz at Princess Jane Yiga para sa kanilang outreach program.
Sa ibinanderang YouTube vlog ni Wilbert, sinabi niya na nais niyang mag-share ng blessings bago tuluyang umalis sa Africa.
“Gusto namin, bago kami umalis sa Uganda ay meron kaming maiwan na very remarkable memory,” sey niya.
Dagdag pa ng talent manager, “We made sure na lahat ‘yun ay equal…kumpleto sila, 400 plus na mabibigyan namin.”
Mapapanood sa vlog na nagpunta sila sa isang eskwelahan at namigay sila doon ng iba’t-ibang klase ng pagkaing Pinoy at mga kagamitan sa eskwelahan.
Kitang-kita rin kung gaano kasaya ang mga bata sa kanilang mga nakuhang pamasko.
Sabi pa ni Herlene “Kung ano ‘yung kinalakihan namin, gusto naming i-share din sa kanila kasi ‘nung bata kami, pinagdaanan naming makain lahat ng mga ‘to. Kailangang ma-share din sa iba para ma-experience din nila.”
Inilarawan naman ni Wilbert ang kanyang experience na kakaiba at sobrang saya sa pakiramdam.
Ani Wilbert, “sobrang overwhelming kasi siyempre kahit sa Pilipinas ganun pa rin naman tayo, pero dito kasi mas iba ‘yung feeling kasi foreigner ‘yung pagbibigyan natin.”
“Atleast ipinagpatuloy pa rin ni Herlene ang misyon niya. Ako naman, bukas sa kalooban ko na makita ang mga batang ngumiti,” dagdag pa niya.
Tila napa-senti mode pa ang grupo ng mga Pinoy vloggers.
Sabi ni Herlene, “everything happens for a reason, ito ‘yung purpose kung bakit tayo pumunta dito. Naloko man tayo pero ito ‘yung purpose natin na makatulong sa ibang bansa.”
“Kaya dapat hindi tayo feeling down dahil may mas mahirap pang nararanasan sa atin. Swerte pa tayong lahat,” aniya.
Ayon naman kay Wilbert, “Masarap sa pakiramdam na shinare natin ang Pinoy food para sa mga African kids.. Kapag nakita mong nakangiti ang mga bata, priceless talaga nag feeling ‘no… Kahit mahirap sila, parati pa rin silang masaya… Sa maliit na paraan, ito ay malaking tulong sa kanila at malaking bagay para sa kanila ‘yun.”
Sey naman ni Madam Inutz, “Parang tingin ko sa sarili ko na napakaswerte ko pala… Kakaiba na ma-experience ‘yung ganitong bagay. Napakasarap talaga sa pakiramdam na kahit papaano ay nagbibigay ka ng ngiti sa mga tao, especially mga bata.”
Nilinaw naman ni Herlene na ginawa nila ang video hindi para magmayabang, kundi para magsilbing inspirasyon sa mga may kaya sa buhay na tumulong din sa mga mahihirap.
“‘Yung iba, sinasabi nila na dapat tumulong without camera. Pero si Sir Wilbert kasi, gustong magbigay ng inspirasyon sa mga taong may kaya namang tumulong para maging inspirasyon siya ng ibang mayayaman na tumulong with or without camera,” Sey ng beauty queen.
Ayon naman kay Wilbert, “Hindi naman ako mayaman, kung ano lang ang meron sa akin, ishe-share ko lang kasi pag sinabi mong mayaman, nandoon ka na eh, to the highest level.”
Dahil sa latest video, libo-libong netizens ang naantig ang puso at narito ang ilan sa mga komento na aming nabasa.
“The best influencer and best manager ka talaga boss Wilbert walang pinipili sa mga tinutulungan… Priceless ‘yung mga ngiti ng mga UGANDA KIDS…God bless you and your team always boss… (red heart emoji)”
“Love overload iba talaga ang pinoy magmahal.”
“Napaka buti mong tao sir Wilbert kaya ‘di natatapos ang pagbibigay sayo ng blessings ni Lord kasi shine-share mo rin.”
Related chika:
Wilbert Tolentino sinabing hindi pa ‘officially cancelled’ ang Miss Planet International pageant
Madam Inutz pinaiyak ni Wilbert Tolentino, almost complete na ang bagong bahay
Ogie Diaz tumanggi sa bayad ni Wilbert Tolentino nang makipag-collab sa kanya: I-donate mo na lang
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.