Madam Inutz pinaiyak ni Wilbert Tolentino, almost complete na ang bagong bahay | Bandera

Madam Inutz pinaiyak ni Wilbert Tolentino, almost complete na ang bagong bahay

Pauline del Rosario |November 04,2022
facebook
share this

Madam Inutz pinaiyak ni Wilbert Tolentino, almost complete na ang bagong bahay

Pauline del Rosario - November 04, 2022 - 03:21 PM

Madam Inutz pinaiyak ni Wilbert Tolentino, almost complete na ang bagong bahay

PHOTO: Screengrab from Wilbert Tolentino’s YouTube vlog

MULING naiyak sa tuwa ang social media personality na si Madam Inutz matapos bisitahin ulit ang pinapatayong bahay sa Bulacan.

Kung matatandaan noong nakaraang taon ay niregaluhan siya ng talent manager na si Wilbert Tolentino ng bagong bahay.

At sa Youtube vlog ni Wilbert noong November 2 ay ibinandera niya ang bagong update sa itinatayong bahay ni Madam Inutz.

Mapapanood sa video na nauna sa lokasyon si Wilbert at habang inaantay ang socmed star ay nagkwento muna siya kung bakit medyo natagalan ang pagpapaayos ng bahay ni Madam Inutz.

Chika niya, “Medyo tumagal kami, inabot ng one year bago naitayo ‘yan kasi ishe-share ko sa inyo na during sa PBB ay kailangan namin siya mapapirma bago ma-transact at ma-process ang mga papers.

“Inantay namin siya lumabas. Paglabas naman niya, dire-diretso ang projects, raket tapos live-selling niya.”

Sinabi niya rin na isa si Madam Inutz na “deserve” na matulungan kaya naisipan niyang mabigyan siya ng magandang tirahan.

“Siyempre gusto kong tumulong ng tao, kaya ‘nung nakita ko si Madam Inutz ay isa siya sa mga deserve tulungan aside kay Hipon kaya kung may bahay na si Hipon, may bahay pa si Inutz, sino kaya ang susunod?,” Aniya.

Patuloy pa niya, “Tutulungan ko si Madam na kumpletuhin ang mga gamit sa loob and actually marami kaming nakuhang sponsor.

“Sponsor sa aircon, sponsor sa chairs, sponsor sa kama kaya wala nang gagastusin si Inutz.”

Binalikan din ni Wilbert ang mga panahong noong mahirap pa lamang siya at nangangarap na magkaroon ng bahay.

Sinabi niya na lahat ng klase ng trabaho ay pinasok niya para lang makapag-ipon at makabili ng sariling bahay.

Kwento niya, “Alam niyo, dream ko rin dati na magkaroon ng bahay.

“‘Nung bata pa ako, 19 years old, sinuswerte ako, pinalad ako na naging supplier… Kaya isa sa nagbigay sa akin ng susi ng tagumpay dahil nag-supply ako sa kanila.”

Aniya, “Anything under the sun… Kahit basahan, kahit gloves, mga janitorial services. Naging contractor din ako kahit umakyat kami sa bubong.

“Nagkaroon ako ng first na bahay when I was 29.”

Maya-maya lamang ay biglang dumating si Madam Inutz at pagkababa niya ng kotse ay bigla na siyang naiyak.

Muli raw siyang nasorpresa dahil malapit nang matapos ang pinapagawang bagong bahay.

Nagkaroon pa sila ng house tour at makikita na mayroong tatlong palapag ang bahay – mayroon pa itong maliit na boutique, opisina, walk-in closet, at inuman area.

Lubos na nagpapasalamat si Inutz sa kanyang manager dahil tinupad nito ang kanyang mga pangarap sa buhay.

Sey ni Madam Inutz, “Napakabuti ang puso na kundi dahil sa kanya, ang mga pangarap ni Madam Inutz, may posibilidad na hindi mangyari kaya naman sobrang thankful at grateful si Madam dahil nakilala ko si Sir Wilbert at siya ang nagbunga na matupad ang pangarap ni Madam na matagal ko nang pinapanalangin na gusto kong kamtan at dahil sa kanya ay natupad na.”

Read more:

True ba, si Madam Inutz ang bumubuhay sa dyowang macho dancer at sa 2 nitong anak?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Madam Inutz napamura sa pagbwelta kay Zeinab Harake: ‘Napakasakit…sana huwag kang manghusga ng kapwa mo’ 

Zeinab Harake basag sa rebelasyon ni Wilbert Tolentino; Herlene Budol, Madam Inutz, Robi Domingo nadamay na

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending