Madam Inutz napamura sa pagbwelta kay Zeinab Harake: ‘Napakasakit…sana huwag kang manghusga ng kapwa mo’
SA one hour and 55 minutes Facrbool live ni Madam Inutz kagabi ay umaming masama ang loob niya sa kontrobersyal influencer na si Zeinab Harake at napuyat siyang panoorin ang rebelasyon ng manager niyang si Wilbert Tolentino nitong Linggo.
“Naapektuhan din ako, hindi ninyo alam ang pakiramdam ng nasaktan,” bungad ni Madam Inutz.
Kinailangan daw niyang magsalita dahil nakasama ang pangalan niya sa isyu, “Yung iba nga diyan pumapasok wala naman sa entry! Dapat kung sino lang ‘yung nakalista ro’n, ‘wag nang papasok ‘yung iba, (sabay mura). ‘Yan ang sinasabing for the views.”
Nagbalik-tanaw ang online seller na malaki ang naitulong ng manager niyang si Wilbert dahil nu’ng bago palang ang COVID-19 pandemic at maraming naapektuhan ay malaki ang natulungan ng manager niya at isa na siya ro’n.
“Kay Zeinab nauunawaan kita sa depresyon mo dahil naranasan ko rin ‘yan pero ni isa ay wala akong dinamay na kaibigan. Kapag broken ka, tumayo kang mag-isa ‘wag kang mangdamay, adik ka ba?
“Masakit ‘yun (pinagsasabi ni Zeinab) bilang baguhan na vlogger at makakakita ka sa kapwa mo vlogger na medyo mababa ang tingin sa ‘yo, masakit ‘yun. Sana nauunawaan mo ‘yun!
“Tangi*a iniidolo pa kita (Zeinab) kahit na nasa Korea (dati) ako, hangang-hanga ako sa ‘yo, sabi ko ang ganda at ang galing ng batang ‘to. Pero sa likod no’n nu’ng nalaman ko na ako mismo, ang sakit.
“Dapat naging support na lang tayo sa bawa’t isa. Wala namang mawawala. Gaano ba kaimportante kasi ako baguhan, gaano ba kaimportante ang subscribers? Di ba kahit naman sino-sino ang i-subscribe di ba, hindi naman mawawala?
View this post on Instagram
“Bakit ang laking isyu na kesehodang baka lumipat ang mga subscribers ko sa kanya ganyan-ganyan, bakit may ganu’n? Hindi ko ma-gets? Kasi ako parang mas masarap sa feeling ‘yung tinutulungan mo ‘yung mas mababa pa kung saan ka nanggaling, kung saan ka nagsimula.
“Tulungan tayo walang siraan. Sana pumasok din sa utak mo na may kanya-kanya tayong talento, may kanya-kanya tayong kakayahan at wala kang karapatang para harangan. ‘Wag mong kinukuwestiyon kasi parang may pagpipigil sa message mo na ‘yun,” mahabang litanya ni Madam Inutz kay Zeinab.
Dagdag pa, “Ako Z, wish ko sa ‘yo, sana huwag kang manghusga ng kapwa mo lalong-lalo na kung hindi mo pa nakakaharap ito.
“Lalung-lalo na kung hindi mo naman ako personal na kakilala, ikaw, hindi kita hinusgahan kasi alam ko nasaktan ka, eh. Nanay rin ako eh, hindi kita hinusgahan, pero nakasakit ka ng damdamin ng iba.
“Accept mo yung kamalian mo nasaktan mo ‘ko, nasaktan mo yung iba nating kapwa vloggers, nasaktan mo yung kapwa natin YouTuber, kahit paano nakasakit ka talaga.”
“Wish ko lang maging okay na yung lahat, magkaroon tayo ng peaceful mind, ayaw ko na rin kasi makasakit ng iba. Piliin na lang nating maging tahimik kung talagang good influencers tayo,” litanya ng komedyana.
Habang nagla-live si Madam Inutz ay maraming humihiling sa kanya ng shoutout kaya lukang-luka ito at napapamura na lang dahil ‘yung ibang viewers niya ay ibang topic naman ang tinatanong.
Xian Gaza tinamaan kay Zeinab Harake: Will you eat biko with me?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.