Wilbert Tolentino sinabing hindi pa ‘officially cancelled’ ang Miss Planet International pageant | Bandera

Wilbert Tolentino sinabing hindi pa ‘officially cancelled’ ang Miss Planet International pageant

Armin P. Adina - November 11, 2022 - 06:02 PM

Wilbert Tolentino sinabing hindi pa ‘officially cancelled’ ang Miss Planet International pageant

Nakikinig si Herlene Nicole Budol (kanan) sa manager niyang si Wilbert Tolentino (pangalawa mula kaliwa) sa send-off press conference niya noong nagdaang buwan. Kasama rin sa larawan sina Bb. Pilipinas second runner-up Stacey Gabriel (kaliwa), at Shandy Montecarlo, national director para sa Pilipinas ng Miss Planet International pageant./ARMIN P. ADINA

UMUGONG ang usap-usapang kanselado na ang 2022 Miss Planet International pageant sa Uganda kasunod ng pahayag ng dalawang kandidata sa social media. Ngunit sinabi ng kampo ng kinatawan ng Pilipinas na si Herlene Nicole Budol na hindi pa tapos ang laban.

“Ang CEO ng [Miss Planet International] ay darating sa Nov. 12. Wait na lang po natin ang official statement mula sa organisasyon,” sinabi ni Wilbert Tolentino, manager ni Budol, sa isang pahayag na ibinahagi niya sa Facebook hapon ng Nob. 11 (oras sa Maynila). Tiniyak din niyang ligtas ang “Team Philippines.”

Sinabi nina Tamila Sparrow mula sa Czech Republic at Tonille Watkis mula sa Jamaica na kanselado na ang patimpalak sa kani-kanialang post sa social media. Sinabi pa ni Sparrow na “we’re stuck in Uganda” at “35 contestants (who hasn’t left yet) were scammed.”

Ayon naman kay Tolentino, “hindi naman natin masisi, sari-sari ang emosyon ng bawat kandidata, epekto ng hindi maayos na sistema at hindi nakapagkain nang tamang oras ang mga kandidata.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)

Sinabi niyang mahigit kalahati ng mga kandidata ang hindi nakapasok sa Uganda sapagkat walang yellow fever vaccine. At dahil sa ebola outbreak, umatras umano ang orihinal na sponsor na Speke Resort Kampala.

Nilipat umano ang mga kandidata sa Zara Gardens kahapon, ngunit kinailangang muling umalis ng mga dilag dahil hindi pa nababayaran ang hotel. “So, kanya-kanyang diskarte muna sa pagkuha ng kanilang matitirahan sa Airbnb. May apat hanggang anim na nag-withdraw dahil mauubusan ng budget kung tumagal pa sila sa Uganda,” ani Tolentino.

“Hindi man maganda ang experience naming dito, but we are proud to say that we are survivors in our own way. Tumuloy man o hindi ang pageant, in good faith tayong lumaban at pinaghandaan,” pagpapatuloy ni Tolentino, nangakong magbibigay pa ng update sa hinaharap.

Hinirang na first runner-up sa 2022 Binibining Pilipinas pageant si Budol. Walang kaakibat na international contest ang puwesto niya, ngunit naghanap si Tolentino ng patimpalak na masasalihan niya.

Nakipag-ugnayan siya kay Shandy Montecarlo, national director para sa Pilipinas ng Miss Planet International pageant, upang makasali ang alaga niya, at hiningi ang pahintulot ng Bb. Pilipinas Charities Inc. upang payagan si Budol na makalaban sa isang patimpalak na hindi naman hawak ng organisasyon ang prangkisa.

Ibinahagi rin ni Budol bago siya tumulak pa-Uganda na pansamantalang isinantabi ng GMA Network ang “Magandang Dilag,” ang una niyang lead project, upang bigyang-daan ang paghahanda niya para sa Miss Planet International pageant.

Related Chika:
Miss Planet International kanselado na nga ba?

Herlene Budol nanawagan sa airlines, national costume hindi umabot sa Uganda

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Herlene sa pagrampa sa Miss Planet Int’l 2022: Gagawin ko ang pinaka-best ko para hindi ko kayo ipahiya, laban Pilipinas!

Herlene Budol magdadala ng interpreter sa Miss Planet International; hindi na sasali uli sa Bb. Pilipinas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending