Herlene sa pagrampa sa Miss Planet Int'l 2022: Gagawin ko ang pinaka-best ko para hindi ko kayo ipahiya, laban Pilipinas! | Bandera

Herlene sa pagrampa sa Miss Planet Int’l 2022: Gagawin ko ang pinaka-best ko para hindi ko kayo ipahiya, laban Pilipinas!

Ervin Santiago |October 24,2022
facebook
share this

Herlene sa pagrampa sa Miss Planet Int’l 2022: Gagawin ko ang pinaka-best ko para hindi ko kayo ipahiya, laban Pilipinas!

Ervin Santiago - October 24, 2022 - 01:50 PM

Herlene sa pagrampa sa Miss Planet Int'l 2022: Gagawin ko ang pinaka-best ko pa para 'di ko kayo ipahiya, laban Pilipinas!

Herlene Budol

NGAYONG darating na November 19 na rarampa at lalaban ang Kapuso actress at vlogger na si Herlene Budol sa Miss Planet International 2022 pageant.

Patuloy ang ginagawang paghahanda ng actress-beauty queen sa nasabing international pageant matapos nga siyang magwaging Bb. Pilipinas 2022 first runner-up ilang buwan na ngayon ang nakararaan.

Sa Uganda gaganapin ang grand coronation night ng second edition ng nabanggit na international pageant at ngayon pa lang ay excited na si Herlene na ibandera ang Pilipinas sa buong mundo.

Sa naganap na send-off presscon para sa paglaban ni Herlene sa Miss Planet International 2022, binigyang-diin niya ang kanyang adbokasiya para sa tamang  pangangalaga at pagrespeto sa ating “planeta.”

“Alam naman natin lahat grabe na ‘yung polusyon na nangyayari sa buong planeta.

“Para sa akin, bakit hindi natin subukang alagaan, i-save natin ‘yung planeta so ako ‘yung taong hindi conservative pero pilit matututong maging conservative.

“Sa akin, aaralin ko ‘yung mga bagay na hindi ko pa nalalaman so ako ang magiging sugo ng Planet International para sabihin sa bawat Pilipino, sa buong mundo na alagaan natin ang mga meron tayo dito.

“Kasi hindi sa lahat ng bagay, magiging mabait sa atin ang planeta so alagaan natin, iligtas natin, at isave natin ang planeta,” paliwanag ni Hipon Girl.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)


Pinasalamatan din ni Herlene ang Binibining Pilipinas Charities dahil naging daan nga ito sa pagtupad sa kanyang mga pangarap, kabilang na ang makasali sa isang beauty pageant abroad.

“Nakaka-touch ‘yung Binibining Pilipinas, naging stepping stone ko siya para maabot ko ‘yung Miss Planet International kasi kung walang Binibining Pilipinas, hindi ko makikilala ‘yung Miss Planet International, hindi ako makakapag ibang bansa so sobrang happy po ako.

“Hindi po ako mangangako sa inyo ng masaya pero gagawin ko po ‘yung best sa pinaka-best pa para ‘di ko kayo ipahiya. Talagang gagawin ko ‘yung mas kaya ko pa. Itotodo ko ‘to at syempre iaangat natin ang Pilipinas, laban Pilipinas!” pangako pa ni Herlene.

Samantala, muling nabanggit ng Kapuso star na Filipino ang gagamitin niya sa Q&A segment ng Miss Planet International 2022.

“Ipagsisigawan ko at hindi ko ikakahiya ang lenggwaheng meron tayo. Isisigaw ko, Tatagalugin ko para mas maintindihan nating lahat,” sabi ni Hipon Girl.

Herlene Budol magdadala ng interpreter sa Miss Planet International; hindi na sasali uli sa Bb. Pilipinas

Wilbert Tolentino naghahanap ng translator ni Herlene Budol, sasama sa Uganda para sa Miss Planet International

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Herlene Budol lalaban sa 2nd Miss Planet International pageant sa Uganda: Naiiyak at nae-excite ako, parang panaginip lang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending