Wilbert Tolentino naghahanap ng translator ni Herlene Budol, sasama sa Uganda para sa Miss Planet International | Bandera

Wilbert Tolentino naghahanap ng translator ni Herlene Budol, sasama sa Uganda para sa Miss Planet International

Therese Arceo |October 07,2022
facebook
share this

Wilbert Tolentino naghahanap ng translator ni Herlene Budol, sasama sa Uganda para sa Miss Planet International

Therese Arceo - October 07, 2022 - 01:16 PM

Wilbert Tolentino naghahanap ng translator ni Herlene Budol, sasama sa Uganda para sa Miss Planet International

NAGSIMULA na ang paghahanap ni Wilbert Tolentino ng professional translator para sa kanyang alagang si Herlene Budol.

Nakatakda kasing lumaban ang dalaga sa Miss Planet International bilang representative ng Pilipinas.

Sa Facebook account nga ni Wilbert ay ibinahagi niyang looking sila ng tutulong kay Herlene na marunong mag-translate ng Filipino sa wikang Ingles at ng wikang Filipino in English at willing na lumipad papuntang Kampala Uganda.

“We are looking for a professional TRANSLATOR from Filipino to English and vice versa who is willing to fly to Kampala, Uganda for the upcoming Miss Planet International,” saad ng talent manager.

View this post on Instagram

A post shared by Wilbert Tolentino (@sirwil75)

Doon kasi magaganap ang naturang international beauty pageant na mangyayari ngayong Nobyembre.

Dagdag pa ni Wilbert, “An interpreter that can speak in front of a large audience and in front of the camera.”

Ang mapipili nga raw ng talent manager ang siyang magiging official interpreter ni Herlene at nangako rin ito na makatatanggap ito ng magandang sahod.

Isa pa, sagot rin daw ng team ni Wilbert ang lahat ng gastusin ng kakailanganin ng napiling interpreter ng dalaga.

Matatandaang noong nakaraang buwan ay nabanggit ni Herlene na talagang magdadala sila ng interpreter sa Miss Planet International dahil plano nito na sumagot sa wikang Filipino.

“Opo, magta-Tagalog po talaga ako. Hindi nga ako nagkukunwari. Totoo nga ito!

“Hindi talaga ako marunong mag-English na isang straight-an. Ganito lang, mga ano lang, para ka lang hipon. Pisu-piso lang,” pahayag ng alaga ni Wilbert.

Naibahagi rin noon ni Herlene na puspusan ang kanyang training para sa susunod niyang laban bilang beauty queen.

Magaganap ang 2nd Miss Planet International pageant na gaganapin sa November 19, 2022 sa Uganda.

Sey naman ng alaga ni Wilbert marahil ay ito na ang last beauty pageant kaya nangako siya na gagawin niya ang kanyang lahat ng makakaya para manalo sa kompetisyon.

Related Chika:
Herlene Budol magdadala ng interpreter sa Miss Planet International; hindi na sasali uli sa Bb. Pilipinas

Herlene Budol lalaban sa 2nd Miss Planet International pageant sa Uganda: Naiiyak at nae-excite ako, parang panaginip lang

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wilbert Tolentino pumalag sa blind item tungkol kay Herlene Budol: Obligasyon kong protektahan siya

Wilbert Tolentino kinampihan si Herlene Budol: Lahat ng sinabi niya on air ay totoo!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending