Heaven sinagot kung 'masarap' humalik si Ian, inamin kung bakit tinanggap ang 'Nanahimik ang Gabi' | Bandera

Heaven sinagot kung ‘masarap’ humalik si Ian, inamin kung bakit tinanggap ang ‘Nanahimik ang Gabi’

Reggee Bonoan |December 16,2022
facebook
share this

Heaven sinagot kung ‘masarap’ humalik si Ian, inamin kung bakit tinanggap ang ‘Nanahimik ang Gabi’

Reggee Bonoan - December 16, 2022 - 05:02 PM

Heaven sinagot kung 'masarap' humalik si Ian, inamin kung bakit tinanggap ang 'Nanahimik ang Gabi'

NANG lumabas ang trailer ng “Nanahimik ang Gabi” ay nag-trending ang love scenes nina Ian Veneracion at Heaven Peralejo kaya natanong ang huli kung ano ang komento niya rito sa nakaraang mediacon ng pelikulang idinirek ni Shugo Praico handog ng Rein Entertainment.

“Umingay nga po, wala na ako masyadong marinig sa sobrang ingay.  Pero I’m thankful na umingay kasi iyon talaga ‘yung kailangan para maraming manood.

“Kaya I’m happy na kahit konti lang ‘yung scene na nakita n’yo ang lakas ng tensyon at hindi naman sobrang (bold) na kailangan kita lahat para magkaroon ng init,”natatawang sagot ni Heaven.

Sundot na tanong sa aktres ay “sana all” at masarap ba humalik si Ian.

“Tanungin n’yo siya kung masarap ba ako humalik?” tumawang sagot ng dalaga.

Pero iginiit kung paano niya ilalarawan ang paghalik ni Ian lalo na nu’ng tinali siya.

“As Me-ann ako sumasagot sa inyo, huh.  I think, yes..okay siya (Ian), ha, hahaha,” tawa ulit nang tawang sabi ni Heaven.

Pero inamin nitong may mga limitasyon siyang ibinigay kay direk Shugo pagdating sa mga ganitong eksena.

“Opo, maraming limitations siguro ‘yung sa pakita (parte ng katawan), the way it will be shot.  So, ang nangyari before sumabak sa film shooting, lahat per scene, per scene.  Lahat ‘yan may shots na, so, makikita ko na kung anong klaseng shot ‘yung gagawin as in may graphics na parang anime na yung mukha namin nandoon sa nakikita namin kung anong (style) shots ang gagawin. Ganu’n sila ka-respeto sa akin, nakakatuwa,” esplika ng aktres.

Unang beses kasing ginawa ito ni Heaven sa career niya ang magpa-sexy, love scenes at kumandong sa leading man niya.

“Oo nga, pero kung iisipin ko ‘yun, hindi talaga iyon magagawa ni Heaven.  Ang galing lang kasi sobrang na-immerse rin ako do’n sa the whole lock in to the extend na nakalimutan ko si Heaven,” pag-amin nito.

Ang ganda raw ng script kaya ito tinanggap ng aktres at huli na niya naisip na may mga sexy scenes, pero sa kabilang banda ay gusto rin naman talaga niya lalo’t nangako naman si direk Shugo sa kanya at sa mommy niya na aalagaan siya.

“Nung nabasa ko po yung script, sabi ko, sobrang ganda ng message nito, e. It’s also for our generation and kasi, di ba, parang sa generation namin ngayon, sobrang umiingay yung, ‘I wanna be your sugar baby’, I wanna be this’, ‘Glamorous life and everything like that!’,” lahad ni Heaven.

“Pero I think this film kasi it sends a message that kung sugar baby ka, you also have consequences. And those consequences, sometimes hindi ka ready.

“Hindi mo alam na malala pala, you know. And every choice that you make in life, laging may consequences, whether it’s good or bad. So, sabi ko, ‘I wanna be part of this film that is thought-provoking.’”

“Gusto ko yung feel ng sexy, kasi I’m confident with my own body. Whether hindi naman siya sobrang maganda talaga. Pero I’m confident. I love my body, and if it requires some sexy scenes for the film to work, why not? Parang ganun. Pero ayoko yung parang whole film, puro yun na lang. Hindi, e. Parang I don’t see the value in it.”

Maituturing ba na sexy star na si Heaven?

“I mean, ‘yung sexy term kasi, parang nabibigyan ng malicious intent. Why can’t women be sexy all the time, di ba? For me, hindi malicious intent ‘yung sexy actress. E, kung sexy ka, bakit? I think kung tinawag po ako, at least nag-work yung portrayal ko as Me-Ann, “paliwanag ng dalaga.

Kaya nang i-pitch daw ni direk Shugo na siyang sumulat din ng script at bida siya.

“Alam ni Direk Shugo po iyan. Ahhmm, sabi ko nga nung una, nung na-pitch po sa akin ni Direk Shugo yung movie, sabi ko, ‘My God! Kaya ko ba?!’

“Kasi parang siyempre another milestone na naman ito sa career ko. And then sabi niya, ‘Kaming Rein Entertainment, aalagain ka namin the way na kung paano mo nabi-visualize itong film na ito, ganun din namin nabi-visualize.’

“And so they made me feel comfortable. And ewan ko, nakakatuwa kasi parang I can portray that kind of role pala. So, they pushed me to my limits and it’s a different Heaven that you’ll see.  Walang Heaven. Puro Me-ann lang,”diin ng dalaga.

Matagal din daw bago nakakawala si Heaven sa karakter niyang Me-Ann, pero nu’ng titigan siya ni Ian habang nakaupo sila sa harap ng media sa nakaraang presscon ay nailang siya bigla.

“Huwag mo ako titigan, nako-conscious ako,” sabi ni Heaven sa aktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heaven Peralejo (@heavenperalejo)

“Si Heaven ka na niyan, hindi na si Me-Ann kasi naaano ka na,”natawang sabi ni Ian V.

Maraming nabitin sa snippets na ipinakita sa mediacon ng Nanahimik ang Gabi lalo na ang eksenang nahuli ni Mon Confiado si Heaven sa ilalim ng kama kaya inaabangan kung kailan ang screening ng pelikulang produced ng Rein Entertainment headed by Direk Lino Cayetano and Philip King at idinirek ni Shugo Praico na entry ngayong Metro Manila Film Festival 2022.

Samantala, wala pang ideya sina Ian, Heaven at Mon kung ano ang itsura ng karosang sasakyan nila para sa Parada ng mga Bituin na magaganap sa Disyembre 21 na magsisimula sa Quezon Avenue patungo sa Quezon Memorial Circle.

Related Chika:
Heaven Peralejo palaban sa pakikipag-love scene kay Ian Veneracion sa ‘Nanahimik Ang Gabi’, aprub naman kay mommy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May ‘nagalit’ ba sa ‘kandungan’ scene nina Heaven at Ian sa ‘Nanahimik Ang Gabi’?

Heaven Peralejo natuto sa ‘science’ dahil sa mga bashers

2021 ni Heaven Peralejo magkahalong luha at tagumpay; malaki ang utang na loob sa Siargao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending