Liza Lorena feeling bagets pa rin sa edad na 73; may ibinuking tungkol kay Tonton Gutierrez | Bandera

Liza Lorena feeling bagets pa rin sa edad na 73; may ibinuking tungkol kay Tonton Gutierrez

Ervin Santiago - December 13, 2022 - 07:43 AM

Liza Lorena feeling bagets pa rin sa edad na 73; may ibinuking tungkol kay Tonton Gutierrez

Noel Trinidad at Liza Lorena

IN FAIRNESS, kahit senior citizen na ay malakas at healthy pa rin ang veteran actress na si Liza Lorena kaya naman kering-keri pa rin niya ang gumawa ng mga pelikula.

Isa siya sa mga bibida sa Metro Manila Film Festival 2022 entry ng Cineko Productions (ni Pandi Mayor Enrico Roque) na “Family Matters” kasama ang kapwa beteranong si Noel Trinidad.

Ito ay mula sa panulat ni Mel Mendoza-del Rosario at sa direksyon ni Nuel Naval, na siya ring nasa likod ng top-grosser at award-winning 2019 MMFF entry na “Miracle in Cell No. 7” na pinagbidahan ni Aga Muhlach.

Nagpapasalamat si Liza Lorena sa mga producers na hanggang ngayon ay nagtitiwala pa rin sa kanya at nabibigyan ng magagandang projects, tulad nga ng “Family Matters.”

Sa mga hindi pa nakakaalam, nadiskubre ang beteranang aktres nang manalong first runner-up sa 1966 Binibining Pilipinas pageant gamit ang tunay niyang pangalan na Elizabeth Winsett.

At pagkatapos nito ay nagsunud-sunod na nga ang kanyang proyekto na nagsimula sa kanyang kauna-unahang pelikula under Nepomuceno Productions, ang “Dahil Sa Isang Bulaklak” kung saan gumanap siya bilang anak ni Charito Solis.

Ito raw ang unang pagkakataon na nakasama niya si Noel Trinidad sa isang pelikula, “Yes, first time namin, but I told him I used to watch him in ‘Champoy’ and ‘Abangan ang Susunod na Kabanata’.

“Dito, he plays Francisco and I play his wife, Eleanor. Ang problema sa kanya, we’re old, pero ayaw niyang magpaalaga sa ibang caregiver. Gusto niya, ako lang.

“So palipat-lipat kami sa mga anak namin. Mahina na ang hearing ni Noel so ako’ng nag-uulit sa kanya sa instructions sa amin ni Direk Nuel Naval,” kuwento ng aktres.

Puring-puri rin niya si Direk Nuel na first time niya ring naka-work, “He’s very cool on the set, so easy to work with.

“Hindi siya nagagalit but he can be quite strict. He explains everything he wants in detail so everything went well,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by familymattersmovie (@familymattersmovie)


Base sa trailer ng “Family Matters”, mukhang isa ito sa mga hahakot ng awards sa MMFF 2022 kabilang na ang best actress trophy para kay Liza Lorena, “Sana nga, makapanalo uli ng award, kahit isa lang.”

Makakasama nina Liza and Noel sa pelikula sina Nonie Buencamino, Mylene Dizon, Nikki Valdez, JC Santos, Agot Isidro at James Blanco. Ka-join din sina Ina Feleo, Roxanne Guinoo, Ketchup Eusebio, Ana Luna at introducing Ian Pangilinan.

Samantala, kini-claim lagi ng veteran actress ang kanyang healthy and strong disposition in life kaya naman feeling bagets pa rin siya until now.

Imagine, siya pa rin ang nagda-drive ng kanyang sasakyan papuntang trabaho at very active pa rin siya physically.

“Ako kasi, I’m more like my daughter, si Wednesday, masayahin. Kasi si Tonton (Gutierrez, panganay niyang anak), he’s too serious. He carries the weight of the world on his shoulders. Kami ni Wednesday, todo pasa lang,” aniya pa.

Noel Trinidad hirap na hirap nang makarinig; ilang beses ni-lips-to-lips si Liza Lorena sa presscon ng ‘Family Matters’

Neri, Chito nagdesisyon nang manirahan sa farm: Mas magiging healthy living na talaga kami

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Payo ni Noel Trinidad sa mga kabataang artista: ‘Maging totoo lang kayo sa sarili n’yo…you cannot fake it!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending