AJ Raval 'nananahimik' raw, isyu ng panganganak hindi nga ba totoo? Bandera

AJ Raval ‘nananahimik’ raw, isyu ng panganganak hindi nga ba totoo?

Therese Arceo |December 02,2022
share this

AJ Raval ‘nananahimik’ raw, isyu ng panganganak hindi nga ba totoo?

Therese Arceo - December 02, 2022 - 07:39 PM

AJ Raval 'nananahimik' raw, isyu ng panganganak hindi nga ba totoo?
VIRAL ngayon ang screenshot ng usapan ng sexy actress na si AJ Raval at ng tao sa likod ng sikat na Facebook page na si Senyora.

Sa naturang screenshot kasi ay isinend ni Senyora ang artcard mula sa Bandera patungkol sa naisulat namin na article kaugnay ng diumano’y panganganak nito sa Pasig.

“Haay akala [ko] wala tayong secret sa isa’t isa,” tanong ni Senyora kay AJ sa Instagram kalakip ang artcard mula sa Bandera noong Martes, November 29.

Sinagot naman ito ng aktres nitong Huwebes, December 1 at sinabing “Siraulo mga yan hahaha.”

Dagdag pa ni AJ, “Nanahimik ako dito (laughing emoji)”

Tila naguluhan na nga si Senyora sa mga balita at sinabing “Haaaay di ko na alam san maniniwala (angry emoji).”

Ito na nga ba ang sagot ng anak ni AJ Raval patungkol sa mga kumakalat na balitang diumano’y ipinanganak raw nito ang kanilang panganay ng aktor na si Aljur Abrenica.

Matatandaang ibinalita nina Ogie Diaz sa kanilang YouTube vlog na “Showbiz Update” na nakita raw ng kanilang source ang sexy actress sa isang ospital sa Pasig.

“Nanganak na si AJ Raval noong November 18 or 19 diyan sa isang payak na hospital sa Pasig,” saad ni Ogie sa kanilang YT vlog na uploaded noong November 27.

Kaya naman maraming news outlets ang nag-pick up ng istoryang ito lalo na’t matagal na ngang iniintriga ang sexy actress na nagdadalangtao ito at ang ama ay si Aljur daw.

Pagpapatuloy pa ni Ogie, “Yun nga! Naloloka nga ako diyan! Di ba ‘yung unang balita si Ate Cristy Fermin na ang balita si AJ Raval ay kumpirmado na buntis.”

Sinabi pa ni Ogie na ang mismong source raw ni Nanay Cristy ay mismong si Aljur.

“Pinatotohanan pa ito ni ate Cristy dahil ang alam ko si Aljur (Abrenica) ang source. Pero ito ay mariing pinabulaanan ni AJ Raval na kung matatandaan pa natin ay nagpakita pa ng mga pictures bilang patotoo na hindi siya buntis,” kuwento pa ng talent manager.

Ang sabi pa ni Ogie, sa isang ordinaryong kwarto lang nanganak ang aktres at hindi sa isang delivery room. Bukod pa rito, kamag-anak raw kasi nila ang isang doktor sa naturang ospital kaya dito ito nagpunta.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)

Ngunit sa kabila ng mga lumabas na balita ukol sa kanyang “pagbubuntis” ay naging tahimik nga ang sexy actress at missing in action rin ito sa naganap na screening ng kanyang pelikulang “Us X Her” noong November 21 ay wala ang Viva actress.

Bukas naman ang BANDERA para sa pahayag ni AJ at ng kampo nito hinggil sa isyung kinasasangkutan.

Related Chika:
AJ Raval nanganak na raw sa isang ospital sa Pasig, nagtakip pa ng mukha para hindi makilala?

AJ Raval hinamon ng mga ‘Marites’ na maglabas pa ng ebidensya para patunayang hindi siya nabuntis at nanganak

AJ Raval ibinandera ang flat tummy, itinangging buntis

Netizens naloka sa okrayan nina Kiray at Senyora; iba pang celebs damay?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending