Brad Pitt, Margot Robbie, Diego Calva bibida sa ‘Babylon’; Chris Pratt pak na pak sa ‘Super Mario’ film | Bandera

Brad Pitt, Margot Robbie, Diego Calva bibida sa ‘Babylon’; Chris Pratt pak na pak sa ‘Super Mario’ film

Pauline del Rosario - December 01, 2022 - 04:47 PM

Brad Pitt, Margot Robbie, Diego Calva bibida sa ‘Babylon’; Chris Pratt pak na pak sa ‘Super Mario’ film

BIGATIN na mga Hollywood actors na sina Brad Pitt, Margot Robbie at Diego Calva ang bibida sa drama comedy film na “Babylon.”

Ang pelikula ay mula sa direksyon ng award-winning “La La Land” director na si Damien Chazelle.

Sa bagong trailer, makikita na ang setup ng bagong movie ay noon pang 1920’s sa Los Angeles sa Amerika.

Ang storya ng “Babylon” ay tungkol mismo sa pabago-bagong panahon pagdating sa pelikula ng Hollywood na nagsimula sa silent films.

Bukod sa tatlong bida, tampok din sa pelikula sina Olivia Hamilton, Tobey Maguire, Olivia Wilde, at marami pang iba.

Ang “Babylon” ay mapapanood sa mga lokal na sinehan sa February 1, 2023.

***

At speaking of big stars, tampok naman ang “Guardian of the Galaxy” star na si Chris Pratt sa bagong animated film-based video game series na “The Super Mario Bros. Movie.”

Bibigyan buhay niya sa pamamagitan ng kanyang boses ang bida na si Mario.

Sa inilabas na pasilip, makikita ang ilang eksena ng ilang sikat na karakter ng video game na sina Luigi, Toad at Donkey Kong.

Iikot ang istorya ng “The Super Mario Bros. Movie” sa pagtutulungan nina Mario at Princess Peach upang matalo ang kontrabidang si Bowser na ginagampanan ng aktor na si Jack Black.

Ang nasabing pelikula ay ipapalabas sa Abril sa susunod na taon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related chika:

Channing Tatum muling magpapainit sa finale ng ‘Magic Mike’, naglabas na ng trailer

Buhay ni Whitney Houston ginawan ng pelikula; award-winning film ‘Bones and All’ ipalalabas na sa Pinas

Tom Hanks ‘nagsungit’ sa bagong pelikula na pagbibidahan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending