Channing Tatum muling magpapainit sa finale ng ‘Magic Mike’, naglabas na ng trailer
MULING nagbabalik sa big screen ang blockbuster musical comedy na “Magic Mike” matapos ang pitong taon.
Ito ang finale ng pelikula na may titulong “Magic Mike’s Last Dance” at nakatakda itong ipalabas sa Pebrero ng susunod na taon.
Inilabas na ng Warner Bros. Picture ang official trailer nito noong November 16.
Makikita sa pasilip na ang sikat na Hollywood actor na si Channing Tatum ang muling bibida sa karakter bilang “Magic” Mike Lane at magpapainit sa mga sexy scenes ng blockbuster film.
Ang katambal ni Channing sa Magic Mike finale ay ang Mexican-American actress na si Salma Hayek Pinault.
Tampok din sa pelikula sina Ayub Khan Din, Jamelia George, Juliette Motamed at Vicki Pepperdine.
Ang istorya ng “Magic Mike’s Last Dance” ay iikot sa pagpunta ng bida sa London kasama ang isang mayamang socialite para sa kanyang huling performance.
Matatandaang taong 2012 nang unang nirelease ang “Magic Mike” at kumita ito ng hindi bababa sa $167 million o higit P9.6 billion.
Habang ang sumunod na installment ng pelikula ay lumabas noong 2015 na may titulong “Magic Mike XXL” na kumita naman ng mahigit $122 million o higit P7 billion.
Related chika:
Inigo Pascual ibinandera ang pagiging Pinoy, may revelation ukol sa karakter sa ‘Monarch’
Jo Koy ka-level na si Chris Evans, nakasama rin sa ‘2022 Sexiest Man Alive’
Taylor Swift big winner sa MTV Europe Music Awards; Maymay Entrata talo sa K-pop boyband
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.