‘Squid Game’ actor Oh Young Soo sinampahan ng kasong ‘sexual misconduct’ dahil sa panghihipo | Bandera

‘Squid Game’ actor Oh Young Soo sinampahan ng kasong ‘sexual misconduct’ dahil sa panghihipo

Pauline del Rosario - November 27, 2022 - 04:56 PM

‘Squid Game’ actor Oh Young Soo sinampahan ng kasong ‘sexual misconduct’ dahil sa panghihipo

PHOTO: Screengrab from Netflix’s ‘Squid Game’/@squidgamenetflix

NAHAHARAP ngayon sa kasong “sexual misconduct” ang 78-year-old “Squid Game” actor na si Oh Young Soo.

Ayon sa ulat ng South Korean media outlet na Soompi, idinemanda siya ng Suwon District Prosecutor’s Office ng “without detention” dahil sa panghihipo umano sa isang babae noon pang taong 2017.

Ang reklamo ng biktima ay natanggap ng pulisya noong December 2021 at nitong Pebrero lang nakuha ng mga matataas na awtoridad ang mga dokumento.

Ayon pa sa Soompi, ilang beses nang iniimbestigahan ng mga pulis ang nangyari.

Patuloy din itong tinatanggihan ng aktor at ipinaliwanag pa niya sa South Korean TV network na JTBC na hinawakan lamang niya ang kamay ng babae.

Umamin din si Young Soo na humingi na siya ng tawad sa babae pero nilinaw niya na hindi ibig sabihin nito ay guilty siya sa nirereklamo sa kanya.

Kwento ng ‘Squid Game’ actor, “I just held her hand to guide the way around the lake.

“I apologized because [the person] said she wouldn’t make a fuss about it but it doesn’t mean that I admit the charges,” aniya.

Naging sikat sa mga Pinoy ang 78-year-old Korean actor dahil sa Netflix hit series na “Squid Game.”

Ginampanan niya sa serye ang karakter ni Oh Il Nam o si “Player 001”, ang pinakamatandang manlalaro sa survival game ng series.

Dahil sa kanyang role ay napanalunan niya ang kanyang kauna-unahang Golden Dove Award.

Naiuwi niya ang “Best Supporting Actor” sa ilalim ng TV category ng Golden Globe Awards sa United States nitong taon lamang.

Related chika:

‘Squid Game’ gumawa na naman ng bagong record; humakot ng nominasyon sa 2022 Emmy Awards

Sylvia Sanchez na-meet nang personal si Lee Jung-jae ng ‘Squid Game’; mas tumaas pa ang respeto kay Liza Dino

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

‘Squid Game’ ng South Korea wagi ng 3 awards sa 2022 Screen Actors Guild

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending