Sylvia Sanchez na-meet nang personal si Lee Jung-jae ng 'Squid Game'; mas tumaas pa ang respeto kay Liza Dino | Bandera

Sylvia Sanchez na-meet nang personal si Lee Jung-jae ng ‘Squid Game’; mas tumaas pa ang respeto kay Liza Dino

Ervin Santiago |May 24,2022
facebook
share this

Sylvia Sanchez na-meet nang personal si Lee Jung-jae ng ‘Squid Game’; mas tumaas pa ang respeto kay Liza Dino

Ervin Santiago - May 24, 2022 - 06:41 AM

Lee Jung-jae at Sylvia Sanchez

NABIGYAN ng chance ang award-winning actress na si Sylvia Sanchez na makilala up close and personal ang Korean superstar na si Lee Jung-jae.

Ibinandera ng veteran Kapamilya actress sa kanyang Instagram account ang litrato nila ng kilalang K-drama actor na nakilala nang bonggang-bongga sa blockbuster Korean series na “Squid Game.”

Kuha ang nasabing photo sa naganap na Cannes Film Festival at nilagyan ni Ibyang ng caption na, “It was nice meeting you, Mr. Lee Jung-jae.”

Si Jung-jae ay isa sa mga nominado sa nakaraang Golden Globes para sa natatangi niyang performance sa “Squid Game” bilang si Seung Gi-hun.

Ang nasabing Korean series na napanood sa Netflix ay itinuturing na “one of the most successful series” sa nasabing streaming site noong 2021. Nakatakda nang ipalabas ang second season nito very soon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jojo Campo Atayde (@sylviasanchez_a)


Samantala, nag-post din ng isang video si Sylvia sa IG last May 17 na kuha sa France kasama ang chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na si Liza Dino.

Dito, pinuri niya nang todo si Chair Liza dahil sa ginagawa nitong  pagpo-promote ng Philippine cinema sa international scene.

“Nakakaproud ka nak @lizadino. Hindi biro ang ginagawa mo as FDCP Chairman dito sa Cannes Festival. Na-witness ko lahat ngayong araw na ito kung paano mo inaangat, pinagmamalaki ang Pelikulang Pilipino, ang industriya natin,” pahayag ni Sylvia.

Aniya pa, “Napaka-hands on mo, buong-buo ang puso mo, hindi matawaran ninuman ang passion mo at pagmamahal mo sa industriya natin.”

“How i wish makita lahat ng mga taga industriya ang ginagawa mo. Ibang klase ka nak, saludo ako sayo! Ngayon mas naiintindihan kita. Tama ka!!

“Kailangan nating sumugal para  makilala at tangkilikin ang ating mga  pelikula sa global market.
Pasensiya na nak, sa kaka observe ko sayo ito lang ang navideo ko hahaha.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Much respect sayo FDCP Chairman @lizadino. I’m so proud of you!!! #cannesfestival2022,” mensahe pa ni Sylvia.

Sylvia kontra sa pagtakbo ni Arjo sa 2022: Pero iga-guide ko na lang para hindi masulsulan at maligaw

Pokwang hinabol ng ‘samurai’ ang asawa dahil sa selos: Iyak siya nang iyak!

Umabot na sa 1.2 M views ang teaser ng ‘One More Chance 2’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending