Carmina ayaw pang magkadyowa si Cassy, pero umaming bet na bet si Darren Espanto | Bandera

Carmina ayaw pang magkadyowa si Cassy, pero umaming bet na bet si Darren Espanto

Ervin Santiago |November 09,2022
facebook
share this

Carmina ayaw pang magkadyowa si Cassy, pero umaming bet na bet si Darren Espanto

Ervin Santiago - November 09, 2022 - 08:23 AM

Carmina ayaw pang magkadyowa si Cassy, pero umaming bet na bet si Darren Espanto

Carmina Villarroel, Cassy Legaspi at Darren Espanto

KUNG si Carmina Villarroel ang tatanungin, ayaw pa niyang magkaroon ng boyfriend ang anak niyang si Cassy Legaspi.

Bilang isang nanay, hangga’t maaari ay manatili munang single ang nag-iisang anak na babae nila ni Zoren Legaspi at i-enjoy muna ang kanyang pagiging single sa ngayon.

Ang Kapamilya actor-singer na si Darren Espanto ang nali-link ngayon kay Cassy at marami ang nagsasabi na parang may “something” na sa pagitan ng dalawang young celebrities.

Sinabi naman ni Carmina na okay at aprub sa kanya si Darren para kay Cassy pero feeling niya wala pa talagang relasyon ang dalawa base na rin sa mga pag-uusap nila ng anak.

Chika ni Carmina, botong-boto naman siya sa special friendship nina Cassy at Darren at nagtitiwala siya sa pagiging responsible young adults ng mga ito.

“Alam mo kung bakit okay ako kay D? Kasi mabait siyang tao,” ang pahayag ng Kapuso actress-TV host sa nakaraang episode ng “Sarap, ‘Di Ba?” nitong nagdaang Sabado.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carmina Villarroel-Legaspi (@mina_villarroel)


Sabi pa ng celebrity mommy, napakagalang at marespetong bata ni Darren na isa sa mga gustung-gusto nila ni Zoren sa binata.

“Pumupunta ‘yan sa bahay, bumibisita ‘yan sa bahay. At ang una niyang ginagawa kapag pumupunta ‘yan sa bahay ay hinahanap kami ni Zoren para bumati.

“‘Yun ang pinakanagustuhan ko sa kaniya kasi nga makikita mo na mayroon siyang respeto,” aniya pa.

Sa tanong naman kung handa na ba si Carmina sakaling magsabi na sa kanya si Cassy na magka-boyfriend, “Siyempre as a mother, I would say no.”

Dugtong pa ni Mina, natatandaan pa niya ang nabanggit ni Cassy tungkol sa pakikipagrelasyon, “Ang sabi sa akin ni Cassy wala pa raw sa isip niya ang boyfriend-boyfriend.

“Ang sinasabi niya gusto niya mag-concentrate dito sa trabaho niya, sa career niya. Plus, nag-school kasi.

“Gusto ko paniwalaan, at gusto kong panghawakan ‘yung sinasabi niyang wala sa isip niya. Siyempre pabor sa akin ‘yun,” ssy ni Carmina.

Pero nilinaw naman ng aktres na kung sakaling mag-boyfriend na si Cassy ay maiintindihan rin niya ito, “If ever, siyempre dumaan ako sa ganoon.

“I am trying my best to be understanding because pinagdaanan ko ‘yan noong kabataan ko. I trust Cassy, I trust Mavy, huwag lang nilang i-break ‘yung trust,” pagbabahagi pa ni Carmina.

Carmina Villarroel ibinuking ang real score sa pagitan nina Cassy at Darren

Carmina Villarroel inintriga ng netizen ukol sa pag-aaral ng mga anak: ‘Bakit po parang inuuna ang showbiz?’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Darren: Kami po ni Cassy we are very close, alam namin ang lahat ng tungkol sa isa’t isa…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending