Kim Chiu ibinandera ang kilig moments sa Blackpink concert: Simply the best night ever!!! Bandera

Kim Chiu ibinandera ang kilig moments sa Blackpink concert: Simply the best night ever!!!

Pauline del Rosario |November 05,2022
share this

Kim Chiu ibinandera ang kilig moments sa Blackpink concert: Simply the best night ever!!!

Pauline del Rosario - November 05, 2022 - 01:41 PM
Kim Chiu ibinandera ang kilig moments sa Blackpink concert: Simply the best night ever!!!

PHOTO: Instagram/@chinitaprincess

LUMABAS ang pagiging K-Pop fan girl ng Kapamilya actress at TV host na si Kim Chiu!

‘Yan ay matapos niyang ibandera sa Instagram na nanood siya ng concert ng K-Pop girl group na Blackpink sa Amerika.

Super happy na ibinandera ni Kim ang isang video na kung saan mapapanood ang ilang eksena sa concert, pati na rin ang kanyang mga litrato na makikita naman ang kanyang pagiging excited at kilig to the max.

Sinabi pa ni Kim na worth it ang walong oras na nakatayo dahil nakita niya nang malapitan ang Blackpink members na sina Jennie, Lisa, Rosé at Jisoo.

Caption niya, “No words!!!! SIMPLY THE BEST NIGHT EVER!!! BEST CONCERT EVER!!!! BEST GIRLS EVER!!! BEST SIDE TRIP EVER!!!! EVER NA SA LAHAT NG EVER! 8 hours of standing was super worth it saw them up close and personal with matching eye contact, wave wave, and smile smile.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)

Hindi niya raw mailarawan ang kanyang naging experience kahit may “jet lag” pa siya.

Sey niya sa post, “ANG GANDA AND ANG SAYA NG CONCERT!!! From sound check to the performance. OA yung feeling kahit na nilalabanan ko yung jet lag ko and all grabe no words can describe as a BLINK, this trip is super-mega worth it.

“flew back and forth early morning flight alone to Georgia back to Vegas with happiness and kilig in my blink heart!! (heart emoji)”

Maraming netizens naman ang napa-sana all sa IG post ni Kim at narito ang ilan sa mga nabasa naming komento.

“Buti ka pa Ms. Kim na-experience mo na ang concert nila WAHHHHH! Sana all!”

“Mapapa sana all ka nalang kay Miss Kim (heart eyes emoji)”

“Tama ka na Kim! Quota ka na (laughing emoji)”

Nasa Amerika ngayon si Kim hindi lang para manood ng Blackpink world tour, may show din kasi siya sa Las Vegas para sa “ASAP Natin ‘To” show.

Kung matatandaan, hindi ito ang unang beses na nanood ng Blackpink concert ang aktres dahil present siya noong 2019 sa Singapore concert ng K-Pop group.

Read more:

Kim Chiu may pa-artista van tour, nagulat sa pina-upgrade: Papunta na sa Transformers level!!! 

Angelica Panganiban ‘duguan’, ‘sugatan’ bilang first-time mom, mas kinabahan kay Kim Chiu

Kim Chiu hindi pinilit na maging breadwinner ng pamilya: Wala naman akong bisyo, kaya para saan ang pera na ibinigay sa akin?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending