Kim Chiu may pa-artista van tour, nagulat sa pina-upgrade: Papunta na sa Transformers level!!!  Bandera

Kim Chiu may pa-artista van tour, nagulat sa pina-upgrade: Papunta na sa Transformers level!!! 

Pauline del Rosario |October 31,2022
share this

Kim Chiu may pa-artista van tour, nagulat sa pina-upgrade: Papunta na sa Transformers level!!! 

Pauline del Rosario - October 31, 2022 - 02:09 PM
Kim Chiu may pa-artista van tour, nagulat sa pina-upgrade: Papunta na sa Transformers level!!! 

PHOTO: Instagram/@chinitaprincess

NASORPRESA at tuwang-tuwa ang Kapamilya actress na si Kim Chiu sa upgraded niyang artista van.

“Yan ay proud niyang ibinandera sa kanyang latest YouTube video noong October 30.

Talagang pinaganda ang interior ng kanyang van at ginawa pa itong high-tech!

Sabi tuloy ni Kim, “papunta na sa transformers level!!! mega amaze talaga ako!!!! Thank you so much!!!”

Ayon pa sa aktres, naisipan niya itong ipa-upgrade para maging komportable tuwing gagamitin sa trabaho at bakasyon.

Sey niya, “Ito ang ginagamit ko pang-shooting, pang-taping, and long drive.”

Pagpasok ng van ay sasalubungin na kagad ang mga papasok ng smart TV.

May wifi din ang kotse at voice command na kung tawagin ay “Alexa.”

Makikita rin na may maraming pailaw ang loob ng van at pwede pang mapalitan ang mga kulay nito sa pamamagitan ng voice command.

Bukod pa riyan, proud din niyang ipinakita ang “smart mirror” na maliban sa pwede siyang magsalamin, ito rin ay nagsisilbing parang malaking iPad na pwede siyang mag-browse sa internet.

May maliit na dining area pa ang aktres at ang kanyang mga upuan ay pwedeng mag-transform sa kama sa isang pindot lamang.

Kahit ang fans ni Kim ay napa-wow sa kanyang mini van tour. Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:

“Sobrang aliw at amazing naman ng vlog na to. Great job, you guys!!!”

“Grabe ang ganda ng van mo ate Kim. Hopefully someday lahat tayo na nanonood lang ngayon ng van tour ni ate kim ay magkaroon din.”

“Sobrang ganda ng pagka gawa, pang aesthetic, pang tiktok, very bagets..”

Knows niyo ba mga ka-bandera na ito rin ‘yung van na pinagbabaril noong 2020.

Matatandaang pinaulanan ng bala ang sasakyan ni Kim habang papunta siya sa location ng kanyang taping.

Ang nangyari noon sa aktres ay dahil umano sa mistaken identity, lalo na’y iginiit ni Kim sa isang eksklusibong panayam na wala naman siyang naging kaalitan bago ang insidente.

Read more:

Angelica Panganiban ‘duguan’, ‘sugatan’ bilang first-time mom, mas kinabahan kay Kim Chiu

Kim Chiu hindi pinilit na maging breadwinner ng pamilya: Wala naman akong bisyo, kaya para saan ang pera na ibinigay sa akin?

Kim Chiu pinuri ng netizens sa pagiging Padre Pio devotee: ‘Your such an inspiration to the young generation’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending