Kim Chiu hindi pinilit na maging breadwinner ng pamilya: Wala naman akong bisyo, kaya para saan ang pera na ibinigay sa akin? Bandera

Kim Chiu hindi pinilit na maging breadwinner ng pamilya: Wala naman akong bisyo, kaya para saan ang pera na ibinigay sa akin?

Ervin Santiago |September 27,2022
share this

Kim Chiu hindi pinilit na maging breadwinner ng pamilya: Wala naman akong bisyo, kaya para saan ang pera na ibinigay sa akin?

Ervin Santiago - September 27, 2022 - 08:06 AM

Kim Chiu

PERSONAL na desisyon ng Kapamilya actress at TV host na si Kim Chiu na magsilbing breadwinner sa kanilang pamilya.

Mula nang maging artista ang dalaga sa edad na 16 pagkatapos manalong Big Winner sa “Pinoy Big Brother Teen Edition” ay talagang hindi na siya tumigil sa pagtulong sa kanyang pamilya.

Sey ng girlfriend ni Xian Lim, “Wala namang nagsabi na, ‘Kim, ikaw bumuhay sa amin. Kim, ikaw magpaaral sa amin.’

“Parang, aanhin ko itong pera? Mayroon naman akong money, wala naman akong bisyo, para saan ang pera na ibinigay sa akin?” ang pahayag ng aktres nang mag-guest siya sa “Magandang Buhay.”

Aniya pa, “Nabigyan ako at a young age, nabigyan ako ng opportunity ni God. Para saan ito? So ‘yun, sine-share ko lang.”

Naging emosyonal naman ang dalaga ng magbigay ng message sa kanya ang mga kapatid na sina John Paul, na isang pilot na ngayon at naka-base sa Canada, Twinkle at William.


“Sobrang salamat kasi hindi ka madamot as a person and as a sister, kaya we really appreciate everything that you did for the family, especially to me.

“Thank you for giving me a new life dito sa Canada and thank you for letting me prove to you na gusto ko talagang maging piloto,” ani John Paul.

Sabi naman ni Twinkle na personal pang bumisita sa “Magandang Buhay”, “Responsible siya kahit siya ‘yung bunso naming babae, sobrang maalaga siya sa aming lahat. Hindi niya iniisip ‘yung sarili niya. Laging niyang iniisip ‘yung buong family na paano kami, kumain na kami and everything.”

Para naman kay William, “Masyado siyang matulungin, lalo na po sa family ko. Lagi niya po akong sinusuportahan.

“Nagpapasalamat din ako dahil sobrang bait niya po, sa amin, lalo na sa akin,” sabi pa ng kapatid ni Kim.

Kim shookt sa ipinakita ni Xian sa ‘Always’: Hala! Ang galing niya, nakaka-in love lalo!

Andrea mas gustong mapagod kesa magpahinga: Bilang breadwinner po, maraming umaasa sa akin

Hugot ni Diego: Always love yourself first…now I know what I want to do

Liza ‘dream come true’ ang pakikipag-bonding sa K-pop idols: The whole time it didn’t feel real to me!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending