Jane de Leon nakatikim ng 'banayad' na halik kay Joshua Garcia | Bandera

Jane de Leon nakatikim ng ‘banayad’ na halik kay Joshua Garcia

Therese Arceo |November 03,2022
facebook
share this

Jane de Leon nakatikim ng ‘banayad’ na halik kay Joshua Garcia

Therese Arceo - November 03, 2022 - 02:44 PM

 Jane de Leon nakatikim ng 'banayad' na halik kay Joshua Garcia

MULI na namang usap-usapan ang Kapamilya actor na si Joshua Garcia matapos ang kanilang kissing scene ni Jane de Leon sa “Darna” TV series.

Kilig na kilig nga ang mga netizens sa “banayad” na paghalik ni Joshua sa aktres matapos ang “higop” kissing scene nito kay Janella Salvador.

Ang eksena nila bago ang trending na halikan ay iniligtas na ni Darna (Jane de Leon) si Brian (Joshua Garcia) mula sa impostor nito na siyang humalik kay Regina (Janella Salvador) na inakalang magkakaroon sila ng relasyon ng poging police officer ‘yun pala ay hindi pa rin at talo pa rin siya kay Darna.

Makikita pa ngang nagulat si Darna ng halikan siya ni Brian ngunit nang tumagal ay nagpaubaya na rin ang dalaga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ABS-CBN (@abscbn)

At noong mahimasmasan nga ang karakter ni Jane ay sinampal nito si Joshua at tinanong ito kung bakit siya hinalikan.

“Eh hinalikan mo rin naman ako eh,” sagot ng karakter ni Joshua at inaming nagsisisi kung bakit late na raw niya ginawa ang paghalik sa dalaga.

Kaya naman hindi rin mapigilan ng madlang pipol ang kiligin sa eksena nina Jane at Joshua.

“Hindi ko talaga inexpect yung kiss! Juskoooo… grabe kilig ko na kulang na lang marinig ng buong barangay yung tili ko nung nag-kiss sila,” saad ng netizen.

Comment naman ng isa, “Ang simple lang ni Jane at Joshua… yung chemistry ang natural lang.”

“Naka-ilang beses na akong paulit-ulit sa kissing scene nila grabee yung kilig ko, sakit na ng panga ko kasi kanina pa ako nakangiti aabot hanggang mata. I’ve waited for this scene to come, worth it ang paghihintay dahil ang passionate and sincere ng kiss nila, grabeee kilig muchhh,” sey naman ng isa.

Sa sobrang kinagiliwan ng netizens ang naturang eksena ay kabilang pa nga ito sa trending videos sa YouTube.

Related Chika:
Joshua tinawag na ‘Higop King’ dahil sa laplapan nila ni Janella sa ‘Darna’: ‘Unli mukbang yarn?’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Joshua umamin na sa tunay na relasyon nila ni Jane: Mabait siya, maganda, matalino…napakagaan niyang kasama

Jane de Leon umamin: Sa totoo lang po, hindi ko rin alam kung bakit ako ang napiling Darna

Jane de Leon handang-handa nang makipagbakbakan kay Janella Salvador sa Darna: Magtutuos na kami!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending