Bagyong Paeng magpapaulan sa ‘Undas’, inaasahang tatama sa bahagi ng Luzon | Bandera

Bagyong Paeng magpapaulan sa ‘Undas’, inaasahang tatama sa bahagi ng Luzon

Pauline del Rosario - October 28, 2022 - 11:21 AM

Bagyong Paeng magpapaulan sa ‘Undas’, inaasahang tatama sa bahagi ng Luzon

PHOTO: Facebook/Dost_pagasa

INAASAHANG magiging isang typhoon category ang bagyong Paeng sa mga susunod na araw.

“Maaaring mamayang hapon ay lumakas pa ito bilang isang Severe Tropical Storm at bukas ng madaling araw ay lumakas pa ito bilang isang typhoon. Ito’y dahil sa mainit na temperatura ng Philippine Sea,” sey ni PAGASA Weather Forecaster Benison Estareja sa kanyang press briefing ngayong araw, Oct. 28.

Sabi pa ng PAGASA, habang patuloy itong lumalakas ngayong weekend ay nakikitaan din itong magla-landfall sa bahagi ng Central o Southern Luzon.

Ani Estareja, “Pagsapit bukas ng madaling araw, malapit na ito dito sa probinsya ng Catanduanes, maaaring lumapit na dito sa Camarines Sur and Camarines Norte bukas ng umaga hanggang tanghali, then pagsapit po ng hapon ay maaaring mag-landfall ito malapit po dito sa Polillo Islands sa hapon ng Sabado ‘yan hanggang madaling araw ng Sunday dito po sa northern portion ng Quezon at sa may southern portion of Aurora as a typhoon po ‘yan.”

Dahil sa epekto ng bagyo, itinaas na sa “tropical cyclone signal no. 2” ang mga sumusunod na lugar:

LUZON – Catanduanes, Albay, Sorsogon, and the eastern portion of Camarines Sur (Caramoan, Garchitorena, Presentacion, Lagonoy, Goa, San Jose, Tigaon, Iriga City, Saglay, Buhi)

VISAYAS – Northern Samar and the northern portion of Eastern Samar (Jipapad, Arteche, Oras, San Policarpo, Maslog, Dolores, Can-Avid, Taft)

Narito naman ang mga nasa “tropical cyclone wind signal no. 1” na sakop ang Luzon, Visayas at Mindanao:

LUZON – Masbate including Ticao and Burias Islands, Camarines Norte, the rest of Camarines Sur, Romblon, Marinduque, Quezon including Polillo Islands, Laguna, and Rizal

VISAYAS – Samar, the rest of Eastern Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, and the northern portion of Cebu (Daanbantayan, Medellin, San Remigio, Tabogon, City of Bogo, Borbon) including Bantayan and Camotes Islands

MINDANAO – Dinagat Islands, Surigao del Norte including Siargao and Bucas Grande Islands and the northern portion of Surigao del Sur (Carrascal, Cantilan, Madrid, Carmen, Lanuza, Cortes, City of Tandag, Bayabas, Tago, Cagwait)

Huling namataan ang bagyo sa distansyang 410 kilometers sa silangan ng Borongan City sa Eastern Samar.

May lakas itong hangin na 75 kilometers per hour at bugsong aabot sa 90 kilometers per hour.

Kasalukuyan din itong kumikilos pa-kanluran sa bilis na 15 kilometers per hour.

As of October 28, nag-anunsyo ang Manila International Airport Authority (Miaa) na kanselado ang ilang flights ng CebGo Airlines dahil sa masamang panahon, heto ang listahan:

  • DG 6177/6178: Manila-Masbate-Manila

  • DG 6179/6180: Manila-Masbate-Manila

  • DG 6111/6112: Manila-Naga-Manila

Sinuspinde na rin ng ilang lokal na pamahalaan ang ilang mga klase dahil sa bagyo, narito ang listahan:

ALL LEVELS

  • Albay

  • Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Minadano
    Cotabato City

  • Camarines Norte

  • Camarines Sur

  • Capiz

  • Cebu Province
    Argao
    Asturias
    Compostela
    Consolacion
    Liloan
    Mandaue City
    Minglanilla
    Pinamungajan

  • Negros Occidental
    Bacolod City
    Victorias City

  • Northern Samar

  • Samar
    Catbalogan City
    Pagsanghan

  • Sorsogon

  • Romblon
    Alcantara
    Cajidiocan
    Calatrava
    Corcuera
    Municipality of Romblon
    Odiongan
    San Agustin
    San Fernando
    San Jose
    Santa Fe

SELECT LEVELS

  • Cebu Province

  • Talisay City  (Preschool to senior high school)

  • Samar

  • Gandara (Preschool to senior high school)

Read more:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bagyong Obet tatama sa Batanes o Babuyan Islands, isa pang sama ng panahon binabantayan ng PAGASA

Bagyong Neneng ‘mananalasa’ sa Northern Luzon; 1 pang bagyo sa labas ng bansa binabantayan ng PAGASA

2 patay kay ‘Maymay’; 2 LPA, 1 pang bagyo binabantayan ng PAGASA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending