Bagyong Neneng ‘mananalasa’ sa Northern Luzon; 1 pang bagyo sa labas ng bansa binabantayan ng PAGASA | Bandera

Bagyong Neneng ‘mananalasa’ sa Northern Luzon; 1 pang bagyo sa labas ng bansa binabantayan ng PAGASA

Pauline del Rosario - October 14, 2022 - 10:45 AM

Bagyong 'Neneng'

Bagyong ‘Neneng’ (PHOTO: Facebook/Dost_pagasa)

PINAGHAHANDA na ng PAGASA ang mga kababayan natin sa Northern Luzon dahil kay bagyong “Neneng.”

Ayon kasi sa press briefing kaninang 5 a.m. ay mananalasa ang bagyo sa bahagi ng Batanes o Babuyan Islands.

Sabi pa ni PAGASA Weather Forecaster Daniel James Villamil, “posibleng mag-landfall or magkaroon ng close approach si Neneng sa bahagi ng Batanes o Babuyan Islands.

“Kaya sa ating mga kababayan sa Northern Luzon area ay maghanda tayo sa mga posibleng malalakas na hangin at ulan na dala ni Neneng.”

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa distansiyang 1,015 kilometers East of Extreme Northern Luzon, base sa forecast track as of 5 a.m.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometers per hour malapit sa gitna at bugso na aabot sa 70 kilometers per hour.

Kasalukuyan din itong kumikilos pa-kanluran sa bilis na 10 kilometers per hour.

Nagbabala rin ang ahensya na posible pang lumakas ang bagyo na mula sa “tropical depression” ay mag-a-upgrade ito bilang “tropical storm.”

Dahil daw diyan ay posible silang magtaas ng “tropical wind signal no. 1” sa may hilagang Luzon ngayong araw.

Inanunsyo ng PAGASA na may “gale warning” na sa mga karagatan ng Batanes, Babuyan Islands, Cagayan, Isabela Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, at Pangasinan.

Abiso ni Villamil, “Sa ating mga kababayang mangingisda na may mga maliliit na sasakyang pandagat sa nabanggit na lugar, huwag po munang pumalaot dahil inaasahan natin na patuloy itong maalon hanggang sa napaka along karagatan.”

Sinabi rin ng weather bureau na asahan ang mga pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon dahil kay “Neneng.”

““Yung trough na mga kaulapan na dala ni Neneng ay umaabot sa bahagi ng Quezon Province dito sa Bicol Region, sa Biliran, Quezon Provinces, pati na rin sa ilang bahagi ng MIMAROPA partikular na sa Marinduque at Romblon,” sey ng forecaster.

Tuloy pa niya,“Asahan natin na ngayong umaga pa lang ay may mga kaulapan na tayo and kalat-kalat na pag-ulan throughout the day.”

Bukod kay bagyong Neneng ay binabantayan din daw ng ahensya ang isa pang bagyo sa labas ng bansa.

Nagpapaulan din daw ito sa may bahagi ng Palawan.

Ani Villamil, “‘yung trough nitong bagyo ay nakakaapekto sa bahagi naman ng palawan, kaya same conditions.

“Cloudy skies ang asahan ngayong umaga na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat throughout the day.”

Samantala, ang Metro Manila at ang natitirang bahagi ng bansa ay makakaranas naman ng mainit at maalinsangang panahon, maliban na lang sa tsansang panandaliang buhos ng ulan na dala naman ng “localized thunderstorms.”

Read more:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

2 patay kay ‘Maymay’; 2 LPA, 1 pang bagyo binabantayan ng PAGASA

Jodi Sta. Maria walang kanegahan sa katawan kaya binabagyo ng swerte

Ruru Madrid binabagyo ng blessings; bongga na ang career, swerte pa sa lovelife

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending