Camille Villar pinuri ang mga birtud ng 'masonry' sa isang event

Camille Villar pinuri ang mga birtud ng ‘Masonry’ sa Grand Lodge Gathering

Jan Escosio |
Eleksyon 2025 -
April 27, 2025 - 06:02 PM

Camille Villar pinuri ang mga birtud ng 'Masonry' sa Grand Lodge Gathering

PINANGUNAHAN ni senatorial candidate Camille Villar ang pagpupugay sa mga walang-kupas na prinsipyo ng Masonry sa kanyang pangunahing talumpati.

Naganap ito sa taunang pagtitipon ng Most Worshipful Grand Lodge of Free and Accepted Masons of the Philippines.

Sa harap ng punung-punong bulwagan, binigyang-diin ni Villar ang hindi kumukupas na kahalagahan ng mga Masonic values ng fortitude, prudence, temperance, at justice.

Inilarawan niya ang mga ito bilang mahahalagang pundasyon sa pagbuo ng isang matatag at makatarungang lipunan, mga katangiang aniya ay lalong kinakailangan ngayon sa harap ng mga bagong hamon na kinakaharap ng bansa.

Baka Bet Mo: Camille Villar nangakong palalakasin ang proteksyon at suporta para sa mga OFW

Ibinahagi rin ng millennial na kandidata ang kanyang malalim na personal na koneksyon sa samahan, inalala ang kanyang lolo na si Dr. Filemon C. Aguilar bilang isang mapagmalaking Mason at masigasig na lingkod-bayan.

Binanggit ni Villar na nananatiling buhay ang pamana ng kanyang lolo sa pamamagitan ng Dr. Filemon C. Aguilar Lodge No. 332 sa Lungsod ng Las Piñas, bilang pagkilala sa habambuhay nitong dedikasyon sa paglilingkod sa komunidad.

“Patuloy akong ginagabayan at iniinspirasyon ng halimbawa ng aking lolo,” sey ni Villar.

Dagdag niya, “Nais kong maisabuhay ang parehong katatagan, malasakit, at dedikasyon sa kapakanan ng publiko na kanyang ipinamalas, pati na ng maraming Mason.”

Pinuri rin ni Villar ang matagal nang tradisyon ng Masonry sa gawaing kawanggawa at pilantropiya, at hinangaan ang integridad at pagkakaisa sa hanay ng mga kasapi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Inihayag niya ang pag-asa na patuloy na maging moral na gabay ang mga pagpapahalagang ito para sa mga susunod na henerasyon ng mga lider.

Mainit ang naging pagtanggap kay Villar sa pagtitipon, na isa sa pinakabatang kandidato na sumasabak sa pagtakbo para sa Senado sa darating na pambansang halalan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending