Whamos, Antonette bongga ang gender reveal party: ‘It’s a boy!’ Bandera

Whamos, Antonette bongga ang gender reveal party: ‘It’s a boy!’

Pauline del Rosario |October 27,2022
share this

Whamos, Antonette bongga ang gender reveal party: ‘It’s a boy!’

Pauline del Rosario - October 27, 2022 - 05:01 PM
Whamos, Antonette bongga ang gender reveal party: ‘It’s a boy!’

PHOTO: Screengrab from Antonette Gails’s YouTube video

TRENDING sa social media ang gender reveal party ng Youtuber couple na sina Whamos Cruz at Antonette Gail para sa kanilang first baby.

“Yan ay matapos ibandera ng dalawa ang isang 7-minute vlog noong October 26.

Bongga ang party ng couple na bukod sa pamilya at mga kaanak, dumalo rin ang ilang mga sikat na YouTuber.

Nagkaroon din ng ilang performances sa party at pasabog na fireworks display.

Kwento ng dalawa na kahit sila raw ay super excited sa party dahil hindi rin nila mismo alam kung ano ang magiging kasarian ng kanilang panganay na anak.

Sey ni Whamos, “Actually ako, excited ako at kagabi pa ako hindi makatulog… Kasi iniisip ko kung babae ba siya or lalake.

“Siyempre sakin, gusto ko lalake.

“Pero kung mapa-babae man o mapa-lalake, okay lang basta healthy si baby.”

Ayon naman kay Antonette, “Sobrang excited kasi siyempre ‘yung preparation one month din namin prinepare tapos ‘yung sobrang saya kasi malalaman na namin… Kasi every checkup namin, tinatago talaga sa amin ng doktor kung ano ba talaga ‘yun.”

Sa dulo ng video, ni-reveal na magiging lalake ang first baby ng dalawa at ang magiging palayaw raw nito ay si “Meteor.”

Ipinaliwanag pa nina Whamos at Antonette kung bakit ito ang napili nilang nickname.

Chika ni Whamos, “Bakit Meteor ang pinangalanan ko sa kanya? Kasi nung nagdadasal ako, actually, is nakatingin ako sa tass tapos biglang parang may dumadaan na meteor tapos parang doon ako nagdadasal, doon kami nag-wish na magkaroon ng baby at ito na nga dumating na nga at pinangalan na nga namin is si Meteor.”

May mensahe rin ang dalawa sa kanilang future baby na, “Basta mahal na mahal ka namin at gagawin namin lahat paglabas mo hanggang sa paglaki mo maging masaya ka lang.

“Gagawin namin ang lahat ng mommy mo, promise ‘yan.”

Tuwang-tuwa naman ang maraming netizens sa video at heto ang ilan sa mga comments nila.

“ang ganda ng pagkakaedit  eto ung gender rebil na napanood ko…congrats sa inyong dalawa at kay baby meteor.”

“Ang bongga naman… Talagang pinaghandaan love na love ang baby… Congrats Whamos at Ghail.”

“Nakaka excited mga idol… Welcome to the world baby meteor… God bless!”

As of this writing, isang araw pa lang uploaded ang video at umaani na ito ng mahigit 322,000 views at libo-libong likes sa YouTube.

Read more:

Whamos Cruz pumalag sa mga nanglalait sa pinamigay niyang food packs: Ang intensyon ko doon ay tumulong

Whamos Cruz nag-ala Coco Martin; tinakpan ang mukha para hindi paglihian ng dyowa

Whamos Cruz ibinandera ang pagiging ama, hirit ni Xian Gaza: Huwag naman sana niyang maging kamukha

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending