Lolit Solis sa pagkaka-expelled sa PAMI: Feeling elementary student ako bigla | Bandera

Lolit Solis sa pagkaka-expelled sa PAMI: Feeling elementary student ako bigla

Therese Arceo |October 20,2022
facebook
share this

Lolit Solis sa pagkaka-expelled sa PAMI: Feeling elementary student ako bigla

Therese Arceo - October 20, 2022 - 05:51 PM

Lolit Solis sa pagkaka-expelled sa PAMI: Feeling elementary student ako bigla
NAGLABAS ng saloobin ang talent manager at kolumnistang si Lolit Solis sa pagkakatanggal niya sa Philippine Artists Managers Inc. o PAMI.

Sa kanyang Instagram account ay ipinahayag niya ang kanyang nadarama patungkol sa pagkakatsugi sa kanya sa naturang organisasyon.

“Bongga PAMI ha Salve. Dahil at my age, in my condition EXPELLED member ako, parang ang laki laki ng organization na shock lahat sa ginawang expulsion sa akin. Feeling elementary student ako bigla na may ginawang kalokuhan sa classroom kaya na expelled,” birong saad ni Manay Lolit.

Pagpapatuloy niya, “Grabe ha. Sure ako na matagal inisip iyan ni June Rufino na kilalang duwag at nerbiyosa, hah hah. Baka sabay sila nag consult sa lawyer ni Shirley Kuan.”

Nagpatama pa nga ito sa mga taong “plastic” at mga “nakikisawsaw” sa kanyang isyu.

Sey ni Manay Lolit, “Nagtataka naman ako sa mga plastic na nakikisawsaw, na para bang seryoso masyado ang sitwasyon, at kunwari nakiki simpatiya pero alam na alam mo na natutuwa dahil feeling nila heto na, talo na si Lolita sa issue, dadapa na iyan.

“Mga plastic na matagal ng naghihintay na makita akong basang sisiw. Kaloka talaga. Hindi nila matanggap na sa edad ko na mag 76 na, relevant parin at may apektado parin sa mga sinasabi.”

Chika pa ni Manay Lolit, marahil ay talagang malakas ang kanyang reach sa Instagram kaya naman marami ang naiinggit at nagnanais na huminto na siya.

“SORRY dahil marami parin ang mas may gusto na nag IG at columns ako. At isa iyan sa ugali ko, na pag inuutusan, ayoko gawin. Dapat kusa at talagang gusto ko pag ginawa ko. Hindi iyon inuutos sa akin.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

Sey pa niya wala naman daw kasalanan ang column at IG niya dahil responsibilidad niya ang lahat ng kanyang isinusulat at muli niyang iginiit na hindi siya bully.

“Huwag isali ang hindi dapat. Huwag idamay ang iba. Pag ako, ako lang dapat, huwag pati tao sa paligid ko isinasali. At hindi ako BULLY. Ako ang matagal na ninyo sinisira pero hindi kayo nagtagumpay, dahil nandito parin ako.”

Matatandaang nagsimula ang bansag na bully kay Manay Lolit nang magsalita ang talent manager ni Bea Alonzo na si Shirley Kuan hinggil sa mga pang-iintriga ng kolumnista sa aktres.

Dito ay sinabi niya na binubully raw ng talent manager ang kanyang alaga buhat nang magdesisyon itong lumipat sa GMA network matapos ang matagal nitong pananatili s Kapamilya network.

Samantala, nagdesisyon naman si Bea na huwag na lamang pansinin si Manay Lolit lalo na nang malaman nitong may sakit palang iniinda ang huli.

Related Chika:
Lolit Solis pinatawan ng parusang ‘expulsion’ ng PAMI: ‘Wala na ang Lolita, mag-enjoy na ang mga plastikada!’

Lolit Solis kay Bea Alonzo: Siguro masakit pa ring ma-ghost ng isang Gerald Anderson

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lolit Solis binanatan si Bea Alonzo, sinabing feeling ‘super mega star of all seasons’

Lolit Solis ayaw tantanan si Bea Alonzo; Alden Richards nadamay daw sa kamalasan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending