Dawn Chang super happy sa piling ng bagong dyowa: Kasama mo ako sa kahit anong laban...mahal kita | Bandera

Dawn Chang super happy sa piling ng bagong dyowa: Kasama mo ako sa kahit anong laban…mahal kita

Ervin Santiago |October 09,2022
facebook
share this

Dawn Chang super happy sa piling ng bagong dyowa: Kasama mo ako sa kahit anong laban…mahal kita

Ervin Santiago - October 09, 2022 - 01:51 PM

Dawn Chang super happy sa piling ng bagong dyowa: Kasama mo ako sa kahit anong laban...mahal kita

Dawn Chang at Ralph Calinisan

MARAMING natuwa at nag-congratulate sa Kapamilya actress-dancer na si Dawn Chang matapos ang kanyang paandar na “dyowa reveal.”

Yes, mga ka-Marites! May bago na ngang boyfriend si Dawn at ibinandera nga niya ang tungkol dito sa kanyang Instagram account last October 6.

Isang litrato ang ibinahagi niya sa IG kung saan kasama niya ang lalaking nagpapatibok ngayon sa kanyang puso – si Atty. Ralph Calinisan, ang executive officer ng Quezon City People’s Law Enforcement Bureau (PLEB).

Sa caption, binati ng aktres ang abogado na nagdiriwang ng kanyang birthday nu’ng araw na yun, “Para sa napaka espesyal na tao sa buhay ko. Maligayang kaarawan saiyo.”

Ipinagdarasal din ni Dawn na sana’y palaging gabayan ng Maykapal si Atty. Ralph lalo na sa mga gawain nito bilang abogado kasabay ng kanyang pangako na palagi lang siyang nasa tabi nito anuman ang mangyari.

“May God continue to protect and guide you dahil napakabuti ng puso mo. Kasama mo ako sa kahit na anong laban. Mahal kita,” ang mensahe pa ni Dawn kay Atty. Calinisan.

View this post on Instagram

A post shared by Dawn Chang (@thedawnchang)


Sa mga hindi pa masyadong aware, si Atty. Calinisan din ang siyang tumayong legal counsel ni Dawn noong nagkaroon ito ng issue sa veteran showbiz columnist, radio host at vlogger na si Cristy Fermin.

Bukod dito, nakasama rin sila sa mga campaign rally ni dating Vice President Leni Robredo noong kumandidato itong presidente last May 9 elections.

Bumuhos naman ang mga positibo at nakakikilig na mensahe mula sa kanyang followers at celebrity friends.

Huling nakarelasyon ni Dawn ang aktor na si Justin Cuyugan. Naghiwalay sila noong July, 2021. Mismong si Justin ang nagkumpirma na nagkakalabuan sila ng aktres sa pamamagitan ng Instagram.

Sa litratong ibinahagi niya kung saan makikita ang isang kama, LPG, electric fan, at ilan pang mga gamit na nakalagay sa mga kahon at nasa garahe ng isang bahay.

Ani Justin sa caption, “Let this be a warning to everyone. If you give your life to a narcissist, this is all they will leave you while they swim in the riches you help them build.

“This do not happen only in loving relationships. This is also rampant in work situations and much worse if you sink your life in both,” dagdag pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/306120/cristy-fermin-tuloy-ang-pagdedemanda-kay-dawn-chang-tuloy-na-ang-laban https://bandera.inquirer.net/307183/dawn-chang-kasama-sa-cast-ng-darna-tv-series-netizens-nag-react-anong-role-mo-dyan https://bandera.inquirer.net/307723/dawn-chang-idinamay-ng-netizens-sa-pagkatsugi-ni-kiko-estrada-sa-darna https://bandera.inquirer.net/305668/cristy-fermin-hindi-magbibigay-ng-public-apology-kay-dawn-chang-hinusgahan-na-po-agad-ang-aking-pagkatao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending