Dawn Chang kasama sa cast ng 'Darna' TV series, netizens nag-react: Anong role mo dyan? | Bandera

Dawn Chang kasama sa cast ng ‘Darna’ TV series, netizens nag-react: Anong role mo dyan?

Reggee Bonoan |March 05,2022
facebook
share this

Dawn Chang kasama sa cast ng ‘Darna’ TV series, netizens nag-react: Anong role mo dyan?

Reggee Bonoan - March 05, 2022 - 10:04 AM

Dawn Chang kasama sa cast ng 'Darna' TV series, netizens nag-react: Anong role mo dyan?
KASAMA pala sa “Darna “TV series ang ex-PBB housemate na si Dawn Chang at ipinaalam niya ito sa pamamagitan ng pag post ng larawang kasama ang ibang cast na kasalukuyang nasa lock-in taping.

Ang caption ni Dawn, “Trying to keep sane while locked in a bubble. Thank you tito “The Master Levy” for sharing with us your years of knowledge and experience. Salamat din po sa mahabang pasensya para sa aming mga makukilit mong estudyante. #TeamDarna.”

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 𝙳𝙰𝚆𝙽 𝙲𝙷𝙰𝙽𝙶 (@thedawnchang)

 

Marami naman ang natuwa para sa dalaga na may project siya, pero marami kaming nabasang kaya raw pala nag-ingay siya kamakailan ay dahil gustong magpa-pansin para magka-project.

Mula kay @chi_chai214, “Kaya pla talak ng talak…para mapansin.”

Matabil ang dila ni @danmaravillajr dahil sa tanong niya kay Dawn, “Anong role mo dyan? Ahas ni Valentina?”

Sinundan pa ni @simplyposh9424, “Extra ka ba jan?”

Pareho rin ang komento ni @klarizbuena, “Extra kalang jan.”

Say naman ni @robertambat, “Finally, nagka project na ulit. Salamat social media.

Ayon kay @sheme.rlou, “Oh di ba reward sa ka-epalan kay Toni ha haha may show na.”

Isa pag matabil din ang dila na si @theoshoma77, “iba talaga nagagawa ng sipsip HAHAHA.”

Gayun din si @iamhanabi03, “Feeling unbothered yarn yuckkk.”

Dahil inakala ng netizens na ngayon lang inalok si Dawn na mapasama sa “Darna” series ni Jane kaya ang muli niyang pinost ang larawang magkakasama sila ng cast tulad nina Jane De Leon, Janella Salvador, Jeffrey Santos, Simon Ibarra, Levy Ignacio, Gerald Acao, Rio Locsin at iba pa sa hapag kainan na tila katatapos lang kumain para sabihin noong November pa siya nagta-trabaho.

Sabi ni Dawn, “Taping since November 2021.. di ako sure kung Darna pa ba ito or PBB na.. merong tasks pero mas madaming kwentuhan at chismisan. Pumasok kami sa bubble ng light weight, pag labas namin, heavy weight na. Lagot pero busog.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 𝙳𝙰𝚆𝙽 𝙲𝙷𝙰𝙽𝙶 (@thedawnchang)

 

Related Chika:
Facebook account ni Dawn Chang na-hack, dinenay na binura ang ‘Toni Gonzaga’ post
Dawn Chang inokray-okray ng basher: ‘Sikat ka ba? May fan base ka ba?’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending