Facebook account ni Dawn Chang na-hack, dinenay na binura ang 'Toni Gonzaga' post | Bandera

Facebook account ni Dawn Chang na-hack, dinenay na binura ang ‘Toni Gonzaga’ post

Therese Arceo |February 17,2022
facebook
share this

Facebook account ni Dawn Chang na-hack, dinenay na binura ang ‘Toni Gonzaga’ post

Therese Arceo - February 17, 2022 - 05:25 PM

Facebook account ni Dawn Chang na-hack, dinenay na binura ang 'Toni Gonzaga' post

ITINANGGI ng “Pinoy Big Brother 737” 4th Big Placer at dating GirlTrends member na si Dawn Chang na nagbura siya ng kanyang mga posts sa Facebook.

Isang netizen kasi ang nagsabi sa kanyang tweet na binura daw ng dalaga ang kanyant Facebook posts kaya hindi na nila ngayon nababasa ang kanyang pahayag ukol sa kanyang pagkadismaya sa ginawa ng dating “PBB” main host na si Toni Gonzaga.

Sey ng netizen, “Sadly.. Dawn took down some of her posts. Sana she wont feel down. As in walang nagtatanggol sa kanya sa mga kampon. di nila kaya mga gaya ni angel locsin or angge. So they bully the others.”

Sinagot naman agad ito ng dating housemate at sinabing na-hack nga ang kanyang account.

“I didn’t. My facebook was hacked and cannot be found. We are working on it,” saad ni Dawn.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 𝙳𝙰𝚆𝙽 𝙲𝙷𝙰𝙽𝙶 (@thedawnchang)

Hindi lang dahil sa kanyang pahayag laban kay Toni ang naging sanhi bakit trending ang dalaga bagkus dahil na rin sa kanilang naging alitan ng manunulat na si ‘Nay Cristy Fermin.

Matatandaang isa ang kolumnista sa mga nagtanggol kay Toni na umani ng napakaraming batikos nang mag-host ito sa proclamation rally nina Bongbong Marcos at nag-endorso ng senatorial candidate na nanguna sa pagpapasara ng Kapamilya network na kanyang pinagtatrabahuhan.

Sey ni ‘Nay Cristy, kaya lang raw nagkaroon ng career si Dawn ay dahil sa diumano’y “pakikipaglandian” nito sa mga boss ng naturang network bagay na inalmahan ng dalaga.

Agad namang nagpadala ng demand letter ang kampo ng dating “PBB” housemate sa manunulat at humingi ng public apology ukol sa mga malisyosong paratang nito sa kanya at i-retract ang kanyang mga sinabi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ngunit naging matigas ang kampo ni ‘Nay Cristy at sinabing sina Dawn ang dapat mag-apologize sa kanya publicly dahil sa mga sinabi ng kampo nito laban sa kanya sa ipinadala nitong demand letter.

Kahapon, February 16 ang deadline na kanilang ibinigay sa isa’t isa ngunit walang sumunod at naglabas ng public apology sa parehas na kampo.

Related Chika:
Dawn Chang inokray-okray ng basher: ‘Sikat ka ba? May fan base ka ba?’
Cristy Fermin hindi magbibigay ng public apology kay Dawn Chang: Hinusgahan na po agad ang aking pagkatao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending