Dawn Chang idinamay ng netizens sa pagkatsugi ni Kiko Estrada sa 'Darna' Bandera

Dawn Chang idinamay ng netizens sa pagkatsugi ni Kiko Estrada sa ‘Darna’

Reggee Bonoan |March 10,2022
share this

Dawn Chang idinamay ng netizens sa pagkatsugi ni Kiko Estrada sa ‘Darna’

Reggee Bonoan March 10, 2022 - 05:56 PM
Dawn Chang nadamay sa pagre-resign ni Kiko Estrada sa Darna

Kiko Estrada at Dawn Chang

FOLLOW-UP namin ito sa isinulat namin ngayong araw tungkol sa tunay na dahilan ng pagre-resign ni Kiko Estrada sa “Darna” TV series ni Jane de Leon kasama si Joshua Garcia na kasalukuyang nasa ikalawang cycle na ng taping.

Hanggang sa kasalukuyan ay wala kaming natatanggap na feedback mula sa kampo ng aktor o maski sa production na namamahala ng “Darna”, ang JRB Creatives and Productions.

Pero marami kaming nabasang reaksyon mula sa netizens na hindi nila pinaboran ang ginawa ni Kiko na hindi pa raw sikat ay nag-a-attitude na.

Ito kasi ang termino sa mga artistang unprofessional, uma-attitude, nag-a-attitude at feeling entitled.

May nabasa pa kaming baka naman gusto ni Kiko ay siya si Darna at gusto niyang lumipad.

Ayon kay @Eloisa Palad, “May attitude na ha. D pa man sikat. Dami gusto makasama si Joshua sa isang project. At ka love triangle pa tinanggihan lang.”

Naaliw kami sa komento ni @Kai Xi Kahkki, “Naliitan sa role nya. Aayaw kapa ba, JOSHUA GARCIA at Jane de Leon na yan mga lead role ka level muna o baka gusto mo yata Ikaw si DARNA.”

Dagdag pa ni @Kai Xi Kahkki, “Gusto Yata sya lilipad bilang DARNA  CHARR but Paolo Gumabao must deserve the role good choice.”

Mukhang may laman naman ang sinabi ni @Dessa Lyn Nuñez Pitogo, “Alam nya kasing di nya mahaharot si Jane kaya nag resign buti kung si Heaven yarn.”

Si Heaven ay nakasama ni Kiko sa programang “Bagong Umaga” na natsismis na siyang dahilan umano kaya naghiwalay ang aktor sa  karelasyon nito noong si Devon Seron.

Binigyan naman ng hustisya ng netizen na si Sunshine Casimero na keri lang mawala si Kiko dahil hindi rin kagalingang umarte. Aniya, “Actually mahina naman c Kiko umarte e. pero oo gwapo nmn sya at may appeal or omg d kaya baka gusto mo rin maging c Darna.”

Hindi rin daw worth it si Kiko mula kay @Marizeille Bermedel, “O baka ayaw lang ng second lead siya. Wala pa naman siyang napatunayan ah, he is not worth.”

Sana si Jameson Blake na lang daw sabi naman ni @Kim Dela Cruz, “Si Jameson na lang ngarud ipalit, galing din non mag second lead.”

Pero mukhang malabong mapasama si Jameson dahil nasa “A Family Affair” series siya at kasalukuyang nasa taping sa Masbate kasama sina Sam Milby, Jake Ejercito, Ivana Alawi at Gerald Anderson.

Iba naman ang paniniwala ni @Marvin Reyes, “Ayaw niya talaga makatrabaho si Dawn Chang (emoji laughing face).”

Sinundan din ni @Mar Yam Aguilar, “Nandun na kasi si Dawn Chang kaya umalis na.”

Aliw ang netizens, pati ang nanahimik na si Dawn Chang ay nadamay.

At hayan, ia-unfollow na ni Ella Sumapig si Kiko, “ Ayy ma attitude si Kuya di naman kagwapohan ewwww …yes to unfollow.”

Anyway, bukas pa rin ang BANDERA para sa panig ni Kiko Estrada.

Dawn Chang kasama sa cast ng ‘Darna’ TV series, netizens nag-react: Anong role mo dyan?

Facebook account ni Dawn Chang na-hack, dinenay na binura ang ‘Toni Gonzaga’ post

True ba, Kiko Estrada na-insecure kay Joshua Garcia kaya biglang nag-resign sa ‘Darna’?

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending