Bela Padilla tumanggi sa offer na magkaroon ng show, bakit kaya? | Bandera

Bela Padilla tumanggi sa offer na magkaroon ng show, bakit kaya?

Therese Arceo |September 30,2022
facebook
share this

Bela Padilla tumanggi sa offer na magkaroon ng show, bakit kaya?

Therese Arceo - September 30, 2022 - 06:06 PM

Bela Padilla tumanggi sa offer na magkaroon ng show, bakit kaya?
IBINAHAGI ng actress-director na si Bela Padilla na minsan raw siyang nabigyan ng offer na magkaroon ng show ngunit hindi niya ito tinanggap.

Sa kanyang Twitter account nitong Miyerkules, September 28, ay ikinuwento niya kung ano nga ba ang naging rason kung bakit niya ito tinanggihan.

“Was offered a show a few days ago that I decided to respectfully decline because I felt like the character and storyline were both too familiar to me already,” saad ni Bela.

Aniya, mas nakilala na rin kasi niya ang kanyang sarili sa tagal na rin sa industriya at alam na rin niya kung ano ang kanyang gusto.

“I’m happy that after the pandemic, I’ve learned to choose what is essential to me now,” dagdag pa ni Bela.

Wala namang nabanggit ang aktres kung anong istasyon ang nag-alok sa kanya ng project.

Ang huling teleseryeng pinagbidahan niya ay ang “Sino Ang Maysala?: Mea Culpa” kasama sina Jodi Sta. Maria, Ivana Alawi, Kit Thompson, Ketchup Eusebio, at Tony Labrusca na umere sa ABS-CBN.

Sa kabila ng pagtanggi sa posibleng new project ay marami pa rin sa mga tagasuporta ni Bela ang looking forward na mapanood muli ang aktres.

“To be honest, lahat ata ng movie mo napanuod ko. Bat kasi ang galing mo umarte hahaha nakakainis parang wala ng script minsan sobrang natural,” comment ng isang netizen.

Tanong naman ng isa, “Way to go Bela. You should really be wise in choosing your projects. Was it a movie or a teleserye?”

Sey ng isa, “Hi crush. Hopefully, you can make a movie with a happy ending, that has a smile in your heart, not a tears in your eyes! Keep safe always!”

Kung may supportive kay Bela sa kanyang naging desisyon na huwag tanggapin ang offer, may ilan naman na tila hindi nagustuhan ang kanyang desisyon.

“Ay namimili ng trabaho. Pasalamat ka nga teh may nag-offer pa kahit hindi ka naman big star to begin with. Dami diyan walang trabaho,” comment ng isang netizen.

Talak naman ng isa, “Ang impolite lang at insensitive. If you rejected it, just keep it private. Respeto na lang sa kung sinuman nag-offer sayo. I’m sure it was done with good intention to choose you in the first place.”

Huling napanood si Bela sa pelikulang “366” na ipinalabas sa Vivamax at Netflix kung saan kasama niya sina JC Santos at Zanjoe Marudo.

Ito rin ang kauna-unahang pelikula na bukod siya ang nagsilbing bida ay siya rin ang naging direktor.

Related Chika:
Bela Padilla, Norman Bay masayang nag-celebrate ng 2nd anniversary: You make my days brighter!

Bela bilib na bilib sa 2 leading man sa ‘366’: Si JC talagang ginalingan, hindi pa action, tumutulo na ang luha

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bela Padilla walang awkwardness na naramdaman kay Zanjoe sa ‘366’: I already got passed that stage

Moira sa hiwalayan at pagpapaubaya: We can choose gratitude over bitterness, we can choose love and forgiveness…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending