Kris Aquino nagpapahanap ng bahay sa California, sey ni Cristy Fermin: Ibig sabihin umaayos ang kanyang sitwasyon | Bandera

Kris Aquino nagpapahanap ng bahay sa California, sey ni Cristy Fermin: Ibig sabihin umaayos ang kanyang sitwasyon

Reggee Bonoan |September 30,2022
facebook
share this

Kris Aquino nagpapahanap ng bahay sa California, sey ni Cristy Fermin: Ibig sabihin umaayos ang kanyang sitwasyon

Reggee Bonoan - September 30, 2022 - 05:18 PM

Kris Aquino nagpapahanap ng bahay sa California, sey ni Cristy Fermin: Ibig sabihin umaayos ang kanyang sitwasyon
MASAYANG ibinalita nina Nanay Cristy Fermin, Romel Chika at Morly Alinio sa YouTube channel nilang “Showbiz Now Na” ang latest kay Kris Aquino na nagpapahanap daw ng titirhang bahay nito sa Beverly Hills, Los Angeles, California, USA.

“Nakaka-happy ito ate Cristy, “bungad ni Morly.

“Oo nakakatuwa ito kasi ang balita nagpapahanap siya ng matitirhang bahay sa Beverly Hills sa California. Alam n’yo naman lugar ‘yan ng mga ika nga, eh, anak ng Diyos.

“Ito ‘yung (lugar) tindahan o shops ng mga branded. Pag ikaw ay nagpunta diyan, yayamanin,” kuwento ni Nanay Cristy.

Nabanggit na may kababayang Pinoy na milyonaryo na ini-offer daw kay Kris ang kanyang bahay sa Beverly Hills.

“Para tirhan ni Kris sa LA, di ba nakakatuwa ‘yun?” sambit pa ng online host at manunulat.

Dagdag pa, “kapag ganyan ang balita ibig sabihin umaayos ang kanyang sitwasyon.”

Say naman ni Rommel, “Sana naman.”

“Isipin mo naghahanap ng bahay, ibig sabihin maganda na ang kundisyon,” saad naman ni Morly.

“Aalis siya ng Houston (Texas, USA), siguro nagawa na ang mga prosesong ipinangako sa kanya (Kris) na kailangang-kailangan ng kanyang katawan. At pagkatapos siguro ng mga proseso na ito na matagumpay lilipad na siya ng California para doon muna siya magpahinga,” kuwento ni nanay Cristy.

At parehong nagsabi ang tatlong SNN hosts na magandang balita ito para sa nag-aabang ng update kay Kris Aquino.

Sabi ulit ni Romel, “magandang balita ito kasi kapag naka-stock ka sa isang lugar lalo ka lang magkakasakit bumibigat ang pakiramdam mo hindi tulad ng maysakit ka tapos lilipat-lipat ka, hindi ba nakakagaan din ng pakiramdam?”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)

Sinang-ayunan naman ito ni ‘nay Cristy dahil ang lagi raw bilin o ipinagbabawal ng mga duktor ay ang ma-stress ang pasyente dahil hindi ito maganda para sa health condition.

“Iwasan po natin ito, dito nag-uugat ang lahat ng mga kaakibat pang mga sakit na puwede tayong magkaroon,” say ni nanay Cristy.

“Kaya nga nu’ng nalaman kong nagpapahanap ng bahay si Kris ay nagpasalamat ako sa Diyos kasi ito ‘yun,” sabi ni Morly.

“Sana nga magtuluy-tuloy na tulad ng ipinagdarasal natin noon na malampasan na niya ang pagsubok na ito at kapag ganyan na gusto niyang lumipat ng lugar ay magandang senyales ito. Sana tuluy-tuloy na po ito mga Kapatid,” say ni ‘nay Cristy.

Related Chika:
Kris Aquino sinisimulan na ang gamutan ayon kay Cristy Fermin: Maayos nang tingnan ang kanyang vital signs

Cristy Fermin kay Kris: Kung ikaw ay may matinding sakit, bakit nakuha mo pa akong i-text nang milya-milya para lang sumbatan ako?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Cristy Fermin sinaway ng netizens, huwag na raw pag-usapan si Kris Aquino: ‘Leave her alone’

Cristy Fermin sinabing pumalpak ang gamutan ni Kris Aquino, lilipat nga ba ng ospital?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending