Cristy Fermin sinaway ng netizens, huwag na raw pag-usapan si Kris Aquino: 'Leave her alone' | Bandera

Cristy Fermin sinaway ng netizens, huwag na raw pag-usapan si Kris Aquino: ‘Leave her alone’

Therese Arceo - September 10, 2022 - 07:32 PM

Cristy Fermin sinaway ng netizens, huwag na raw pag-usapan si Kris Aquino: 'Leave her alone'
MULI na namang naging paksa ng usapan ng kolumnistang si Cristy Fermin at mga kasama nitong sina Romel Chika at Morly Alinio ang Queen of All Media na si Kris Aquino.

Sa kanilang YouTube vlog na “Showbiz Now Na”, napag-usapan ng tatlo ang patungkol sa pagdududa diumano ng ilang netizens kung totoo nga bang may sakit ang ina nina Josh at Bimb.

Base sa kwentuhan nina ‘Nay Cristy ay bukod sa mga taong nagdududa ay may mga lumalabas rin daw na ukol sa umano’y pagpapapansin lang daw ito ni Kris sa kabila ng mga medical updates na ibinabahagi niya ukol sa kanyang nararamdaman.

“Nakita naman po natin ang pruweba na talagang bumagsak po ang kaniyang timbang. Meron nga po siyang larawan na halos talagang parang hindi na siya,” saad ni ‘Nay Cristy.

Dagdag pa niya, “Talagang yayat na yayat ang kaniyang mukha, kita na po halos ang buto, alam po namin at alam nating lahat na hindi po ‘yan si Kris Aquino.”

Nabanggit rin nina ‘Nay Cristy na isa si Tetay sa mga personalidad na walang takot na nagbabalita ng mga nangyayari sa kanyang buhay at hindi katulad ng ibang artista na nagtatago sa publiko.

Sey pa niya, “‘Yun ang nakakatakot. Oras na ang publiko ang kumuwestyon at biglang bumibitiw na sa kung ano ang nagaganap.”

Chika naman ng kasamahan ni ‘Nay Cristy na si Morly, isa sa mga nakilalang katangian ni Kris ay ang matapang nitong pagharap sa kontrobersya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)

Sey pa nila, para raw tumatawid sa alambre ang bunsong kapatid ng dating Pangulong Noynoy Aquino dahil magsalita man ito o hindi patungkol sa kanyang sakit ay susundan pa rin ito ng intriga.

Tila hindi naman nagustuhan ng ilang netizens na muli na namang napag-usapan si Kris sa showbiz vlog ng tatlo.

“THERE IS NO CURE at iba-iba ang symptoms ng autoimmune disease. May time na okay ang pakiramdam mo, may time rin na nagfi flare up or may exacerbation.

“Iba iba rin ang treatments at mahal. Maraming doctors ang nag diagnose based on different tests kay Kris so hindi fake ang mga sakit nya.

“I’m not a fan, just stating facts about autoimmune diseases dahil meron din ako. Kung ngayon okay ang pakiramdam mo, bukas baka hindi.

“Pasalamat na lang kayo na hindi kayo ang na diagnose ng autoimmune disease. Kung ipinagdarasal nyo talaga, huwag nyo nang i announce dahil nagtutunog fake ang mga dasal nyo kung ipinangangalandakan nyo,” talak ng isang netizen.

Pagpapatuloy pa nito, “Be thankful na na survive mo ang COVID, Romel, walang rabies ang kumagat na aso sa ‘yo Morley at walang complications ang surgery mo, Cristy at hindi ka natulad kay Joan Rivers na namatay sa isang minor procedure. Life is fleeting. Hinay hinay lang po kayo.”

Comment pa ng isang netizen, “I watch your show everyday, pero nakakaumay na ang topic is about KRIS AQUINO . LEAVE HER ALONE!! Panay ang sabi nyo na let’s pray for Kris. But being part of your content and attacking her ay hindi na tama. LEAVE HER ALONE!!! Marami kayong pwedeng maging content. Nanahimik na nga sila dba? Mag isip nlang kayo ng iba na content. You know better than that!!”

Marami rin and nagsasabing sana raw ay tigilan na nila ‘Nay Cristy ang pagbanggit sa TV host-actress lalo na at mahirap ang magkaroon ng sakit na meron siya.

Matatandaang nitong September 7 ay muling nag-post si Kris ng update ukol sa kanyang pagpapagaling.

Related Chika:
Chikang kinasuhan daw ni Chiz Escudero si Cristy Fermin ng cyberlibel ‘fake news’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kris Aquino sinisimulan na ang gamutan ayon kay Cristy Fermin: Maayos nang tingnan ang kanyang vital signs

Kris Aquino sinisimulan na ang gamutan ayon kay Cristy Fermin: Maayos nang tingnan ang kanyang vital signs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending