Jed Madela magreretiro na nga ba sa pagkanta: Is this a sign?
PLANO na nga bang talikuran ng mang-aawit na si Jed Madela ang kanyang singing career?
Ito ang usap-usapan ng madlang pipol matapos mabasa ang kanyang Facebook post nitong Martes, August 23.
Dito ay ibinahagi ni Jed ang pangyayari sa kanyang panaginip.
“Dreamt that I was sitting in one corner and was dressed and ready to perform. But everyone just ignored me and were busy with something else…until the event ended,” aniya.
Pagpapatuloy ni Jed, “Then they switched off the lights and left. I was left alone.”
Nang magising nga siya ay napaluha siya nang dahil sa panaginip.
Dagdag pa ni Jed, “Must be a sign?”
Mukhang nagpapahiwatig na ng pamamaalam sa pagkanta ang singer dahil bago pa ito ay nag-post rin siya ng larawan mg Mall Of Asia (MOA) Arena na madalas pagdausan ng mga concerts at masasabing ultimate goals para sa mga artista.
“Kelan kaya ako makapag-solo concert dito??” sey ni Jed na may hashtag na “#BagoAkoMapagod”.
Sa kabila naman ng kanyang malungkot na mga status updates ay marami pa rin sa mga supporters ang todo cheer sa kanya.
View this post on Instagram
“That dream is a reflection of your worries and fears. The good news is you can change it in your reality and you are empowered to produce your own shows and sing in the way that only you can We are rooting for you Jed!” saad ng isang netizen.
Comment ng isa, “They say your dream is the opposite of what will happen in reality. Hugs, Jed!”
“That was your deep-seated fear. But you have nothing to fear. You are already a music icon in the Philippines. Set your fear aside and just enjoy each and every show!” sey naman ng isa.
Aktibo pa rin naman si Jed dahil napapanood ito bilang isa sa mga hurado ng Tawag Ng Tanghalan na isang segment sa “It’s Showtime” maging sa Kapamilya musical-variety show na “ASAP Natin ‘To!”
Bukod sa pag-awit ay abala rin si Jed sa kanyang VoDu Art Toy.
Related Chika:
Jed Madela ilang beses nang nabiktima ng ‘budol-budol’: It’s so difficult when you’re too nice! Hayyyyy!
Jed masama ang loob dahil hindi makakanood ng BTS concert: I already had a ticket pero…
Jed nakakaranas ng anxiety attacks; relate sa kuwento ng BTS
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.