Jed Madela bumisita kay Kris Aquino sa US: 'So happy to see her!'

Jed Madela bumisita kay Kris Aquino sa US: ‘So happy to see her!’

Pauline del Rosario - August 08, 2024 - 11:16 AM

Jed Madela bumisita kay Kris Aquino sa US: 'So happy to see her!'

PHOTO: Instagram/@jedmadelaofficial

VERY happy ang batikang singer na si Jed Madela dahil nabisita niya sa United States ang Queen of All Media na si Kris Aquino at ang dalawang anak nito na sina Josh at Bimby.

Sa pamamagitan ng Instagram, ipinasilip ni Jed ang ilang litrato kasama ang tatlo habang nasa California.

“Finally got to visit Ms. Kris, Kuya Josh [and] Bimb,” panimula niya sa IG caption.

Ani pa ng singer, “So happy to see her! We had a lot of catching up to do.”

Baka Bet Mo: Jed Madela naisipang tumigil na sa pagkanta: ‘Hindi na ako masaya how the industry was treating me…ibinigay ko naman lahat’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jed Madela (@jedmadelaofficial)

Para sa kaalaman ng marami, si Jed ay isa sa celebrity friends ni Kris na nagpahayag ng pagkabahala sa kalusugan ng huli.

Kung matatandaan noong 2018, naghandog ng “get-well” song si Jed sa gitna ng malubhang “health scare” ni Kris.

Kamakailan lang, nag-update ang Queen of All Media na kinailangan niyang sumailalim sa mas maraming medical tests.

Nabanggit din niya na posible siyang umuwi ng Pilipinas bago sumapit ang Pasko sakaling maging maganda ang resulta ng kanyang laboratory.

Bukdo sa kanyang health update, ibinunyag din ni Kris ang tungkol sa kanyang bagong boyfriend na isang doktor sa Makati.

Kwento pa niya sa nakaraang panayam ng showbiz insider na si Ogie Diaz, ang dyowang doktor ang magbibigay ng assurance na magiging okay siya pagbalik niya ng ating bansa.

Kung matatandaan, ang huling naging karelasyon ni Kris ay si Batangas Vice Governor Mark Leviste at inamin na isa sa dahilan kung bakit naghiwalay sila ay dahil hindi raw boto ang anak niyang si Bimby sa kanilang relasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ayon pa kay Kris, nagkakalabuan na sina ng vice governor noong November 202 at sinubukan naman nilang ayusin pero hindi na nangyari.

At bago pa pala magdiwang ng kaarawan si Kris noong Pebrero ay totally hiwalay na sila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending