Kris Aquino hindi raw makakauwi ng Pinas sa Setyembre

Kris Aquino hindi makakauwi ng Pinas sa Setyembre, ayon sa prophetic witch

Reggee Bonoan - August 03, 2024 - 11:04 AM

Kris Aquino hindi makakauwi ng Pinas sa Setyembre, ayon sa prophetic witch

PHOTO: Instagram/@krisaquino

SETYEMBRE ngayong taon ang sinasabing babalik ng Pilipinas si Kris Aquino, base sa ibinalita nito kay Ogie Diaz nang dalawin siya nito sa bahay nila sa Los Angeles, Calfornia.

Pero ayon sa prediction ni Mamu Gloria Escoto na kilalang prophetic witch mula sa Cabanatuan City ay malabo ang pagbalik ni Kris dahil hindi okay ang kalagayan niya ngayon.

“Meron siyang something kaya natatakot siya,” bungad ni Mamu Gloria.

Si Mamu Gloria ang nakahula na maghihiwalay ang magkakarelasyong loveteams na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo; Liza Soberano at Enrique Gil.

Na-predict din nito ang paglaya ni Vhong Navarro nang makulong ito, at marami pang ibang nagkatotoo.

Baka Bet Mo: Rudy Baldwin kayang i-predict ang magpapagaling sa mga sakit ni Kris Aquino?

Anyway, base sa report ng “Showbiz Now Na” hosts na sina Nanay Cristy Fermin, Wendell Alvarez at Romel Chika ay binalikan ng huli si Mamu Gloria para humingi ng updates sa mga kilalang personalidad ng showbiz at isa na nga si Kris.

Sabi muna ni ‘Nay Cristy ay mga gabay lang itong mga prediksyon ni Mamu Gloria at hindi nito pinangungunahan ang Diyos.

Tanong ni Romel Chika kay Mamu Gloria ay kung ano na ang lagay ng Queen of All Media ngayon dahil biglang pinabalik ng Amerika ang bunsong anak na si Bimby kasama pa si Kuya Joshua dahil may nakitang bad news sa blood result nito.

“Puwede namang umuwi si Kris kung gugustuhin niya kaya lang may mga tao o sa likod niya na parang pumipigil sa kanya na umuwi dito dahil natatakot ang mga taong ito sa paligid niya.

“At kung tatanungin ako ngayon base sa mga cards (nakalatag ang lahat ng tarot cards) sa oras na ito ay hindi siya okay, kita (sabay turo sa cards) naman na medyo malungkot siya,” kuwento ni Mamu Gloria base sa nababasa niya sa cards.

Tinanong ni Romel Chika kung may nagpapasaya kay Kris.

“Meron baka nga ito ang pumipigil sa kanya (sabay dampot ng isang card), espesyal na tao sa buhay niya, marahil itong espesyal sa kanya ay nasa mundo ng medisina kaya hindi siya mapayagan ng ganu’n,” kaswal na sabi ni Mamu Gloria.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Agosto na ngayon, abangan sa Setyembre kung magkakatotoo ang prediksyon ni Mamu Gloria kung makakauwi o hindi si Kris Aquino.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending