Kris Aquino kasama nga ba ang dyowang doktor sa Amerika?

Kris Aquino kasama nga ba ang dyowang doktor sa Amerika?

Therese Arceo - July 17, 2024 - 05:55 PM

Kris Aquino kasama nga ba ang dyowang doktor sa Amerika?

HOW true kaya ang chika na kasama ngayon ng Queen of All Media na si Kris Aquino sa Amerika ang kanyang dyowang doktor?

Sa nagdaang episode ng “Cristy Ferminute” nitong Martes, July 16, naitanong ng showbiz columnist na si Cristy Fermin kung totoo nga ang nakarating na chika sa kanya.

“Totoo kaya ito? Bakit naglalabasan nando’n na raw sa Amerika kasama ni Kris Aquino ang mahiwagang doktor?” tanong ni Cristy.

Napaisip naman ang co-host nitong si Romel Chika kung sino nga ba ang kasama ng TV host-actress sa kanilang tirahan sa Amerika dahil kasalukuyang nasa Pilipinas ang dalawa nitong anak na sina Josh at Bimb.

Baka Bet Mo: Kris gustong maranasan ni Bimby ang normal teenage life, pero may bawal

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Pero mayr’on na siyang [Kris] ano do’n, e, kasama. Kaya lang, bakit lumulusot ‘yong kuwento na nando’n na raw ‘yong mahiwagang doktor?” chika pa ng kolumnista.

Hindi naman makumpirma ng kolumnista kung may katotohanan nga ba ang naglalabasang chika tungkol sa Queen of All Media st sa bago nitong love life.

Chika pa niya, dapat raw ay kay Kris manggaling ang kumpirmasyon kung totoo ba ito o hindi.

Matatandaang kamakailan lang nang inamin ng TV host sa kanyang panayam kay Ogie Diaz na may bago na siyang karelasyon.

Inamin rin ni Kris na isa sa dahilan kung bakit nagtapos ang relasyon nila ni Vice Governor Mark Leviste ay dahil sa on and off relationship nila ng bunso niyang anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Yes, I’m telling the truth (hindi okay sina Bimb at Vice Gov. Mark). It matters to me because he (Bimb) knows me best.  Siya at si kuya (Josh), ‘yung opinion nila it really matters.

“Most people would say na dapat ‘yung mga anak ang sumunod sa magulang, pero sa akin kasi they’re always be there and alam ko na ang pagmamahal nila sa akin is pure,” sey ni Kris.

Minsan raw ay simabi sa kanya ni Bimb na tingin nito ay hindi niya talaga mahal ang bise gobernador at baka malungkot lang siya at tumatak raw ang sinabi ng anak sa kanya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending