Jed Madela naisipang tumigil na sa pagkanta: ‘Hindi na ako masaya how the industry was treating me…ibinigay ko naman lahat’
“I CONSIDERED stopping na lang kasi hindi na ako masaya.” Ito ang bahagi ng naging pahayag ni Jed Madela patungkol sa kanyang singing career.
Ipinagtapat ng award-winning singer-performer na totoong naisip niyang iwan na ang kanyang showbiz career noong 2021 dahil feeling niya ay indi na siya kailangan sa industriya.
Paliwanag ni Jed, may mga pagkakataong nakakaramdam siya ng lungkot at panghihinayang dahil naeetsapuwera na siya sa music industry lalo na kapag may mga bago at batang singers na ipinakikilala.
“There are times pag may bago nang artist na dumating, everybody goes crazy over that artist, and then nasa-shove aside ako, or feeling ko lang,” ang pagbabahagi ng binata latest sa YouTube vlog ni Toni Gonzaga.
Pag-amin pa niya, “Minsan parang kinukuwestiyon ko ang sarili ko na, ‘Is it still worth it to stay and keep singing?’ na mukhang wala naman, e, wala namang pumapansin. Na parang mas pinapansin na nila yung mas bata, mga bago.”
View this post on Instagram
“And for a while, I considered stopping na lang kasi hindi na ako masaya. Hindi na ako masaya how the industry was treating me. Na parang binibigay ko lahat. My entire life, I’ve given so much love and passion sa music industry.
“Siguro kahit tanungin ko yung sarili ko na may pagkukulang ba ako, feeling ko wala rin. Kasi lahat ng hinihingi nila, ibinibigay ko naman, na pag sinabing, ‘Jed, kanta ka naman dito,’ ‘Jed, tulungan mo naman kami dito.’ Go!
“And then there were times naman na bigla na lang I didn’t hear anybody call my name, or call me, or ask for me.
“So, du’n na ako nagkuwestiyon na parang, ‘Ano ba? Itutuloy ko pa ba to o tama na?’
“Sometimes all I want din naman is ‘thank you’ or a certain appreciation. Konti lang naman, yun lang naman, mapa-feel lang na yung efforts ko were not in vain.
“But sometimes, wala, nakakalimutan ka na, parang pagkatapos ng isang event or isang favor na ginawa mo, that’s it. Wala na,” tuloy-tuloy na paliwanag ni Jed.
Kinimkim lang daw ni Jed ang lahat ng ito dahil ayaw niyang mang-hassle ng ibang tao, “Ayokong isipin nila na, ‘Arte-arte naman nito,’ na parang, ‘Ang dami na ngang binibigay sa yo tapos hindi mo pa naa-appreciate. Kailangan mo pa ng thank you.’”
Ngunit makalipas nga ang dalawang dekada niya sa industriya bilang singer, ay nagpapasalamat pa rin siya dahil until now ay kumakanta pa rin siya at napapanood pa rin sa mga show ng Kapamilya Network.
At ngayong 2023 ay magkakaroon siya ng anniversary concert, “Sobra akong blessed kasi andito pa rin ako. I am blessed that I am given the opportunity to share kasi sayang lang din kung may talent ka, wala kang opportunity to share the talent.”
Samantala, plano ring karirin ni Jed ang pagme-mentor sa mga bago at aspiring singers bilang siya pa rin ang national director ng World Championships of Performing Arts sa Pilipinas.
Jed masama ang loob dahil hindi makakanood ng BTS concert: I already had a ticket pero…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.