Banta ng manager ni Jed: Pag 'di siya tumigil, magsasalita na 'ko

Manager ni Jed nagbanta: Kapag hindi siya tumigil, magsasalita na ‘ko!

Reggee Bonoan - July 09, 2024 - 07:31 AM

Manager ni Jed nagbanta: Kapag hindi siya tumigil, magsasalita na 'ko!

Annie Mercado at Jed Madela

“PLAYING the victim but he’s the offender!” ang bahagi ng post ng tiyahin at dating manager ni Jed Madela na si Annie Mercado.

Ito ang isa sa topic ng “Showbiz Update” nina Ogie Diaz at Mama Loi kasama si Ate Mrena nitong Linggo, Hulyo 7.

Nakausap ni Ogie ang tiyahin ni Jed para hingan ng komento dahil nag-react ito sa bagong awitin ng singer na “I Wish You The Worst” na siya raw ang pinatatamaan dahil hindi na maganda ang relasyon nila ng pamangkin.

Baka Bet Mo: Jed Madela naisipang tumigil na sa pagkanta: ‘Hindi na ako masaya how the industry was treating me…ibinigay ko naman lahat’

“Parang naghihintay lang si Tita Annie ng tamang timing para siya’y magsalita (at) ang iniisip pa rin niya ay magkamag-anak sila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Na ang iniisip niya ay mula nang maliit si Jed ay siya na ang pinakalamapit at nag-aaruga rin at 23 years ay siya ang bumuo kay Jed at ‘yun na nga, medyo nagkaroon ng sakitan,” pahayag ni Ogie.

Nagulat sina mama Loi at Ate Mrena sa sinabi ni Ogie, “Oo, may pisikalang naganap, pero alam mo ayaw ko munang magsalita tungkol do’n kasi nandoon pa rin ako sa sitwasyon na magkamag-anak sila. Mahirap mag-take sides lalo na pag ang ending nito magkabati dahil nga magkamag-anak, di ba?

“Isa sa ano (ikinuwento) ni tita Annie sa akin ay dini-disrespect siya ni Jed Madela.

“Si Jed hindi natin nakausap kasi nagko-concert si Jed sa Music Museum dahil tinanong din ako ni Jed dati pa kung manonood ako ng concert, e, hindi na ako nakapanood ‘no dahil may jetlag ako, so, kungbaga tidbits lang ‘yan ni tita Annie.

Baka Bet Mo: Jed ayaw makipag-showdown kay Stell, collab na lang: Grabe! Ang galing!

“Pag hindi pa raw tumigil itong si Jed ay baka makalimutan niyang magkamag-anak sila!” sabi ni Ogie.

Ikinuwento rin ng dating manager ni Jed na maraming nagpaparating sa kanya na tumatanggap ng bookings ang mang-aawit nang hindi niya alam.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Maraming nakakarating kay tita Annie na pagdating sa pananalapi ay feeling ni Jed ay nadedehado siya sa hatian.

“Ngayon dumating ang time na kumukuha na lang daw si Jed ng mga raket nang hindi niya alam, bina-bypass siya bilang manager.

“Sinabi ni tita Annie, ‘kung gusto mo ‘yan at gusto mong solohin ayaw mo ako bigyan ng komisyon sabihin mo sa akin, ibibigay ko sa ‘yo.

“Bakit kailangang ilihim, bakit kailangang malaman ko sa isang tao na, ‘andito si Jed kumakanta, alam mo ba ‘to?’ Hindi niya raw alam at ilang beses na raw ganu’n.

“Kung ayaw niyang ibigay ang komisyon ko sabihan lang niya ako para at last aware ako,” sabi pa ni Ogie.

Nakaka-relate naman ang host dahil manager din siya, “Ganyan din ako sa talents na kapag may gusto kayong iraket at ayaw n’yo akong bigyan ng komisyon, e, ipagpaalam n’yo lang.

“Kaya lang huwag ninyo akong hihingan ng tulong kapag nagkaproblema kayo diyan, kapag hindi kayo nabayaran diyan, kapag hindi kayo inasikaso diyan, huwag n’yo akong hihingan ng tulong at lagi kong sinasabi sa kanila ‘yan na pag hindi ninyo ako isinama diyan sa una at isinasama n’yo lang ako sa tuwing nagkakaroon ng problema, mumurahin ko kayo!” diing sabi ni Ogie.

Hirit naman ni Nama Loi, “More than courtesy ang tawag kasi do’n respeto.”

‘Yun nga sabi nga (Annie), dini-disrespect daw siya (Jed) tapos sinisiraan pa siya sa iba na bigla na lang nakakarating sa kanya, sabi niya ‘ako pa Ogie? E, may company kami ng asawa ko. Hindi naman sa hindi namin kailangan ng komisyon ‘no, pero bahagi (yan) ng manager/talent relationship pero kung ginaganito monako at anong isyung iniimbento mo, sandali!” katwiran pa raw ng ex-manager ni Jed.

At ang huling sabi pa, “Kapag hindi siya tumigil, magsasalita na ako! Pinipigilan lang ako dahil ang daming nagsasabi na huwag ko raw ano kasi pamangkin ko pa rin.”

“Ayaw ko namang i-preempt, hintayin natin si tita Annie at hintayin natin si Jed kung anong masasabi. Sinabi naman ni Jed na meron naman siyang anxiety (ipinakita ang BANDERA article 2021).

“Minsan kasi may mga nagagalit na hindi na alam kung sino na ang kaharap kaya gusto kong intindihin si Jed siguro galing siyempre siya sa ganu’n,” aniya pa.

Sabi naman ni Mama Loi, “Pero kung totoong ‘yung kanta ay para sa (tita Annie), grabe ‘yung effort ha?”

Nabanggit pa na hindi na raw nag-uusap sina Msm Annie at ang kapatid niya na tatay ni Jed, “Siyempre understandable na si Jed ang kakampihan ng tatay. Kaya sana magkaayos sina Jed at tita Annie,” pagtatapos ni Ogie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang BANDERA sa panig ni Jed tungkol sa isyung ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending