Christine Bermas na-pressure sa love scene nila ni Chloe Jenna: To be honest hindi ko kaya... | Bandera

Christine Bermas na-pressure sa love scene nila ni Chloe Jenna: To be honest hindi ko kaya…

Reggee Bonoan - August 19, 2022 - 08:03 PM

Christine Bermas na-pressure sa love scene nila ni Chloe Jenna: To be honest hindi ko kaya...
SA sinehan dapat ipalalabas ang pelikulang “Lampas Langit” at tiyak na R-18 ito dahil sa ilang maseselang eksena nina Christine Bermas, Chloe Jenna, Milana Ikimoto, Quinn Carillo, Baron Geisler at Ricky Davao mula sa direksyon ni Jeff Hidalgo for Viva Films.

Ayon kay direk Jeffrey, “nagpapasalamat ako sa Viva kasi willing to take a chance, then nagkaroon ng pandemic at alam naming mahihirapan (sinehan) kaya bagay talaga sa Vivamax. Kung mag-theatrical, R-18 talaga ito. Tapos sabi ni boss Vincent kung todo ko (hubaran), sabi ko ‘oo boss.”

May eksenang girl to girl sina Christine at Chloe kaya natanong kung paano nila ito pinaghandaan lalo’t unang beses nila itong gagawin sa buong buhay nila.

Unang sumagot si Chloe, “Una siyempre hygiene kailangang fresh lalo’t girl to girl kasi nakakahiya kung may mabaho (maamoy). Seriously, I try my best to internalize and used substitution method, sabi ko kay Christine, ‘iisipin ko na lang ikaw ‘yung crush ko.’

Kasi kung makikita kitang (ikaw) hindi ko magagawa ‘yung eksena. Well, nagawa ko naman at kinilig ako actually kasi nga inisip ko talaga ‘yung crush ko. Wala naman po akong limitation.”

Say naman ni Christine, “Sobrang na-pressure ako hahaha. Siyempre hygiene then lalo na kapag girl ang ka-love scene, I mean before ka gagawa ng love scene and to be honest hindi ko kaya sa self ko, hindi ko kaya na ipasok sa (isip) ko na iki-kiss ko si Chloe na magme-make love kami ni Chloe.

“Nu’ng una pa nga tinatawag ko siyang ate, pero sabi niya ‘wag ko raw siyang tawaging ate. Para magawa ko inisip ko na another challenge ito for me na kailangang i-try ang lahat ng new things.”

Dagdag naman ni direk Jeff na, “If I remembered, ‘yung scenes nila describes me in a script kung paano ko sinulat at kung saan hahalik. (Sabay tanong kina Christine at Chloe), pinag-usapan n’yo ba kung paano ang gagawin n’yo?

“Kasi hindi ko na sinabi sa kanila kung paano nila gagawin kasi sakto kung ano ‘yung nasa script, eh. pinag-usapan n’yo ba?”

“Parang go with the flow kung ano na lang,” saad ni Christine.

Nagulat si direk Jeff kasi sakto pati kung saan ilalagay ang kamay at iba pa.

Inamin naman ni Chloe na natakot siya kay Christine dahil kahit wala na ay may ginawa at makikita raw ‘yung reaksyon niya sa movie.

Anyway, ang “Lampas Langit” ay isang sexy romance-thriller na kuwento ito ni Jake (Baron), isang struggling writer na problemado rin sa asawang si Mylene (Chloe). Sa condominium na tinitirhan nila ay makikilala nito ang sikat na manunulat at ang literary idol niyang si Arman (Ricky Davao na kasama nito ang palagay nilang anak niyang dalaga na si Belle (Christine).

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chris Ber (@christinebermas_)

Mapapalapit ang loob ni Jake kay Belle at magkakaroon sila ng sikretong relasyon na malalaman nina Arman at Mylene at dito na isa-isang magbubunyag ang iba’t ibang sikreto, pati na ang lihim sa totoong pagkatao nina Arman at Belle.

Magsisimula na ring magtaka at mapaisip si Jake sa mga paghihirap na nararanasan nila pero ang inaakalang mapait at mapaglarong kapalaran ay isa palang planong matagal nang hinanda at pinag-isipan na parang isang magandang nobela.

Produced ng Viva Films at umeere na ngayong Biyernes, Agosto 19 sa Vivamax.

Related Chika:
Christine Bermas ayaw talagang makipag-love scene sa kapwa babae: Parang nakikita ko yung nanay ko na pinagagalitan ako

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Palabang sexy star na si Christine Bermas ayaw munang magpabuntis; type na type si Joshua Garcia

Christine Bermas walang naramdamang awkwardness kina Mark Anthony Fernandez at Gold Aceron sa ‘Scorpio Nights 3’, bet makapareha si Joshua Garcia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending