Christine Bermas walang naramdamang awkwardness kina Mark Anthony Fernandez at Gold Aceron sa 'Scorpio Nights 3', bet makapareha si Joshua Garcia | Bandera

Christine Bermas walang naramdamang awkwardness kina Mark Anthony Fernandez at Gold Aceron sa ‘Scorpio Nights 3’, bet makapareha si Joshua Garcia

Reggee Bonoan - July 01, 2022 - 04:38 PM

Christine Bermas walang naramdamang awkwardness kina Mark Anthony Fernandez at Gold Aceron sa 'Scorpio Nights 3', bet makapareha si Joshia Garcia
SA solo mediacon ni Christine Bermas bilang bida ng “Scorpio Nights 3” ay aminado siyang sumama ang loob niya noong hindi siya natuloy sa pelikulang ididirek ni Joel Lamangan dahil pangarap niyang ma-idirek ng isang premyadong direktor.

Pero nang banggitin sa kanya ng Viva bosses na siya ang bida sa “Scorpio Nights 3” na idinirek ni Lawrence Fajardo ay nagulat, kinabahan at masaya siya kasi hindi niya inakalang ito ang kapalit. Kaya hindi na siya dumaan sa audition.

Natanong namin kung hanggang anong parte ng katawan ni Christine ang ipinakita niya sa “Scorpio Nights 3” pero sinagot niya kami ng panoorin na lang.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chris Ber (@christinebermas_)

Nakakaaliw ang sagot ng sexy star dahil dapat sinasabi niya para ma-engganyo ang mga manonood lalo na sa mahihilig sa ganitong klase ng pelikula.

Anyway, hindi raw napanood ng sexy star ang “Scorpio Nights 2” nina Joyce Jimenez at Albert Martinez dahil wala siyang mahanap na video nito, bukod tanging ang original na “Scorpio Nights” nina Anna Marie Gutierrez, Orestes Ojeda at Daniel Fernando ang napanood niya.

“Parang mas nag-stick ako sa number one kasi mas same nitong Scorpio Nights 3, so, parang mas pinanood ko talaga ‘yung (part) one,” katwiran ng Vivamax star.

Sa tanong kung paano niya ikukumpara ang part one and three, “mas malala itong (akin) ha, ha, haha. Parang mas nagkaroon ng story itong sa amin.”

Baguhan si Christine at parehong magaling sa pag-arte ang dalawang leading man niyang sina Mark Anthony Fernandez at ang Cinema One Originals at Pista ng Pelikulang Pilipino best actor na si Gold Aceron. Ano ang experience niya sa dalawa?

“Sobrang okay kami, mabait sila, support sila at masaya ako na sila ang naka-trabaho ko,” sambit ng dalaga.

Malaki ang agwat ng edad nina Mark at Gold kaya kanino siya nailang.

“Hindi naman ako nailang sa kanilang dalawa kasi napaka-professional nila,” saad nito.

Pero mas type ni Christine ang mas bata at si Gold iyon na edad 24 dahil si Mark Anthony ay 43 na.

“Kasi parang iba pag mas matanda, eh. Doon sa film ha,” tumatawang sagot ng dalaga na edad 19.

Kambyo ni Christine, “in real life, gusto ko mas ahead sa akin.”

Anyway, ang gist ng “Scorpio Nights” movies ay tungkol sa lalaking mahilig manilip kaya natanong ang bida kung nasilipan na siya sa tanang buhay niya.

“Wala pa naman,“ tigas ng iling ni Christine.

Pero kung nasubukan na niyang manilip, “hindi, ha, ha, haha. Pero try ko, ha, ha, ha.”

Paano kung nalaman niyang nabosohan siya, “siguro mapapatay ko siya (sabay tawa), pero hindi naman siguro darating sa point na (ganu’n). Siguro puwedeng dumaan sa usapin.”

Bukod sa sexy body at charm ni Christine sa movie ay napansin din ang kanyang acting na labis niyang ipinagpapasalamat.

“’Yun naman ang goal ko, maging serious actress, stepping stone ko talaga itong pa-sexy,” pagtatapat ng dalaga.

At ang dream leading man niya ay si Joshua Garcia na matagal na niyang crush.

“Oo, consistent talaga ako sa kanya, una crush ko siya tapos mahusay na aktor. Pero impossible ‘yun (makapareha) kasi wholesome si Joshua,” saad ng dalaga.

Malay natin baka may magandang materyal para sa Kapamilya actor ang Viva bosses at tanggapin nito, e, di walang imposibleng mapili si Christine among the sexy stars of Vivamax lalo’t hindi naman nagkakalayo rin ang edad nila.

Anyway, mapapanood na ang “Scorpio Nights 3” sa Vivamax simula sa Hulyo 29 produced ng Viva Films.

 

Related Chika:
Christine Bermas pinalitan si AJ Raval sa remake ng ‘Scorpio Nights’: Lahat ng ipagagawa sa akin, kakayanin ko

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Christine Bermas ayaw panoorin ang sarili habang nakikipag-sex sa pelikuka; nasigawan din ni Joel Lamangan\\Vivamax star

Christine Bermas certified ‘NBSB’, bawal pa ring magkadyowa sa edad na 19

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending