Vivamax star Christine Bermas certified 'NBSB', bawal pa ring magkadyowa sa edad na 19 | Bandera

Vivamax star Christine Bermas certified ‘NBSB’, bawal pa ring magkadyowa sa edad na 19

Ervin Santiago |April 24,2022
facebook
share this

Vivamax star Christine Bermas certified ‘NBSB’, bawal pa ring magkadyowa sa edad na 19

Ervin Santiago - April 24, 2022 - 06:18 AM

Christine Bermas

NGAYON pa lang ay paghahandaan na raw nang bonggang-bongga ng next promising sexy actress na si Christine Bermas ang pagbibida sa ikatlong remake ng classic sex-drama film na “Scorpio Nights 3”.

Handang gawin ni Christine ang lahat para sa nasabing pelikula dahil feeling blessed and grateful nga siya dahil sa kanya in-offer ang project matapos tanggihan ng kapwa niya Vivamax sexy star na si AJ Raval.

Sa panayam ng ilang members ng entertainment media kay Christine, sinabi niyang walang lalaking magagalit o magsesos sa mga gagawin niyang sex scenes sa “Scorpio Nights 3” dahil isa siyang certified NBSB (no boyfriend since birth) sa edad na 19.

Sabi ng dalaga na talagang palaban sa hubaran, lahat ng ipagagawa sa kanya ng direktor na si Lawrence Fajardo sa nasabing pelikula ay hindi niya uurungan dahil naniniwala raw siya sa ganda ng proyekto.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chris Ber (@christinebermas_)


In fairness, maraming nagkakagusto ngayon kay Christine kaya ang sumunod na tanong sa kanya ay kung pwede na ba siyang ligawan at magkadyowa kahit na super busy siya sa kaliwa’t kanang trabaho.

“Open naman ako in the right time and right place. Pero du’n ako sa respeto ko sa manager ko (Len Carrillo ng 3:16 Media Network). Kung ia-allow niya ako, then why not, di ba? Ah, siguro hindi muna sa ngayon. Kasi, focus muna tayo sa career,” sey ni Christine sa interview ng press last April 17, sa Novotel Hotel, Araneta City, Quezon City.

Aniya pa, “Focus muna tayo sa life. And kapag na-reach mo na yung point sa dreams mo, o sa life mo, yung stable ka na, puwede ka na sigurong um-accept ng love, ng mga manliligaw.”

Inamin din niya na bawal pa siya talagang mag-boyfriend bilang respeto na rin sa kanyang manager, “Opo, bawal pa po talaga. And naka-help ‘yan sa akin, yung ganyan na bawal mag-boyfriend. Kasi siguro, if walang ganyan na nagbabawal sa ‘yo, I don’t think so na nandito ako sa industry na ito pag walang nagga-guide sa akin.

“And gusto ko yung ganu’n po, na gina-guide ako. Hindi naman ako nasasakal. Kasi, yung mga kasamahan ko sa 3:16 Media Network, enough na for me.

“Kapag kasama mo sila, yung Clique V at Belladonas, kumpleto na. Even yung manager namin na si Nanay Len.

“Complete na lahat ng love na hahanapin mo. And hindi ka naman babawalan to go out basta magpaalam lang.

“And siyempre, importante na alam ng nanay namin, ng manager namin, kasi siya yung magga-guide sa amin. Siya yung second mom namin dito. So, dapat alam niya,” sabi pa ni Christine Bermas na napakaamo ng mukha pero walang arte-arte pagdating sa hubaran at churvahan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Christine Bermas pinalitan si AJ Raval sa remake ng ‘Scorpio Nights’: Lahat ng ipagagawa sa akin, kakayanin ko

Palabang sexy star na si Christine Bermas ayaw munang magpabuntis; type na type si Joshua Garcia

AJ Raval isinakripisyo ang pagbibida sa ‘Scorpio Nights’ para muling makapag-aral, bawas na rin sa paghuhubad

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending