Julia Montes nakipag-bonding kina Kathryn at Dimples, may suot nga bang engagement ring? | Bandera

Julia Montes nakipag-bonding kina Kathryn at Dimples, may suot nga bang engagement ring?

Therese Arceo - August 12, 2022 - 07:51 PM

Julia Montes nakipag-bonding kina Kathryn at Dimples, may suot nga bang engagement ring?
MULI na namang naging palaisipan sa mga netizens kung engagement ring nga ba ang suot ng Kapamilya star na si Julia Montes sa bagong Instagram reel ng kaibigang si Dimples Romana.

Nitong Biyernes, August 11, ibinahagi ni Dimples ang naging reunion nila ng anak-anakan sa “Mara Clara” remake.

“Made a special reel of all the beautiful moments I spent with these two OG loves of mine, but my internet connection isn’t cooperating today, so these two photos FIRST,” saad ni Dimples.

Dagdag pa niya, “LOVE YOU TWO so much @bernardokath @montesjulia08 sanity regained [heart emoji] thank YOU.”

At nito ngang araw ay ibinahagi na ng aktres ang Instagram reel kasama sina Julia at Kathryn Bernardo.

Super happy naman daw si Dimples sa muling pagkikita nila nina Julia at Kath at sinabing “unfiltered” ang lahat ng kanilang naging pag-uusap at pagba-bonding.

“Unfiltered fun, conversations, beauty and reel [laughing emoji] best served over wine, sashimi, cheese and chocolates by a sisterhood everyone must have in a lifetime [face throwing a kiss emoji],” sey ni Dimples sa isa pang post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dimples Romana (@dimplesromana)

Ngunit mukhang hindi nakaligtas sa mga mata ng mga “Marites” ang kamay ng dalaga na may suot na napakagandang singsing.

Chika ng mga netizens, mukhang ito na raw ang engagement ring ni Julia.

“Wait is that [engagement] ring on Mara’s hand?” saad ng isang netizen.

Comment pa ng isa, “Engaged na si Julia Montes!! Omfg!”

“Oh my so happy to see you together with happiness and love. Mara’s ring. So happy,” sey naman ng isa.

Matatandaang noong November 2020 ay napag-usapan na ng madlang pipol ang tungkol sa suot na singsing ni Julia.

At hindi na rin naman bago ang usaping may tinatagong relasyon ang aktres at ang “FPJ’s Ang Probinsyano” main cast na si Coco Martin.

Nabalita na rin na may anak na si Julia at ang aktor ang ama nito ngunit hanggang ngayon ay tikom pa rin ang bibig ng dalawa ukol rito.

Bagamat wala pang kumpirmasyon kung talaga nga bang may espesyal na pagtitinginan ang dalawa pero mas naging bukas na sila sa publiko ukol sa pagiging malapit nila sa isa’t isa ngayon.

Samantala, wala pang pahayag si Julia kung true nga ba ang hinala ng mga netizens na engagement ring ang suot nito.

Related Chika:
Julia Montes miss na miss na ng fans kaya may ‘paramdam’ sa ABS-CBN

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Julia Montes sa bahay na ni Coco Martin nakatira?

Dimples kay Julia Montes: Kilig na kilig yarn?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending