Vice Ganda nabanggit si Juliana Parizcova sa pagbabalik ng 'Miss Q&A' sa 'Showtime' | Bandera

Vice Ganda nabanggit si Juliana Parizcova sa pagbabalik ng ‘Miss Q&A’ sa ‘Showtime’

Therese Arceo |July 26,2022
facebook
share this

Vice Ganda nabanggit si Juliana Parizcova sa pagbabalik ng ‘Miss Q&A’ sa ‘Showtime’

Therese Arceo - July 26, 2022 - 06:40 PM

Vice Ganda nabanggit si Juliana Parizcova sa pagbabalik ng 'Miss Q&A' sa 'Showtime'
NABANGGIT ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang pangalan ni Juliana Parizcova Segovia nitong Lunes, July 25, sa programa nitong “It’s Showtime”.

Nagbaliktanaw kasi ang mga hosts ng Kapamilya noontime show sa muling pagbabalik ng segment na “Ms. Q & A”.

Isa si Juliana sa mga naging malapit kay Vice Ganda sa mga naging kalahok ng naturang segment.

Super excited ang mga hosts sa muling pagbabalik ng segment at pag-amin pa nga ni Anne, nag-binge watch siya ng mga videos ng contestants noon.

Pabiro naman inasar ni Vice si Vhong na marami na raw itong nakuhang mga numbers ng mga contestants noon at doon nagsimula ang mga ito kung sino-sino ang mga tumatak na contestants sa nagdaang patimpalak.

“Naku ano na naman kayang mga pangalan ang magmamarka? Madami. Si Juliana. Si Odessa atsaka si Matmat na hanggang ngayon kumakabog pa rin sa Miss Gay,” saad ni Vice.

Anyway, may mga netizens ang tila nang-intriga sa hindi pagkakasama ni Juliana sa naging teaser ng pagbabalik ng Ms. Q&A gayong siya ang kauna-unahang nagwagi ng korona ng naturang patimpalak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)

At dahil nga nagbabalik ang talakan ng mga beki ay present sa naging bonggang production number ang ilan sa mga nagwagi noong nakaraang mga season ngunit wala doon si Juliana.

Matatandaang noong mga nagdaang buwan ay naging mainit ang pangalan ng dalawa dahil bukod sa magkaiba sila ng mga sinoportahang kandidato sa nagdaang eleksyon ay inakala ng netizens na si Juliana na siya ang pinatatamaan noon ni Vice nang maikuwento nito sa programa ang isa niyang kaibigan na mabait naman ngunit naging troll.

“May kilala rin ako na ganito. Sa totoong buhay, hindi naman siya toxic talaga pero basher siya sa social media.

“Tapos, nalaman ko kasi troll siya. Trabaho, kasi wala siyang pera, e. So, ‘yon yung ng effect, ginawa niya yun, kumapit siya du’n kahit mali kasi kailangan niya ng pera dahil naghihirap siya,” kwento ni Vice.

Pagpapatuloy niya, “Kaya sabi ko sa iba naming kaibigan, huwag niyo nang patulan, di ba? Masakit man, pero yun ang epekto sa kanya ng kahirapan. Kinailangan niyang gawin yun, di ba?”

Dagdag pa ni Vice, “Hindi man katanggap-tanggap, pero siguro wala na siyang choice. Mabait naman ‘yan, e, pero ngayon, magugulat ka talaga yung mga post niya, tapos nalaman namin troll pala siya.”

“Umabot na siya sa ganoon samantalang dati, sabi ko, kapag walang pera yun, super pa-Gcash. Nagpapa-Gcash sa mga bakla na, ‘Teh, pa-send naman kasi wala talaga.’
E, ngayon, siyempre siguro lahat napa-Gcash na niya, kumapit na sa pagiging troll, at marami pong ganyan, ha?”

Niljnaw naman ni Ogie Diaz na hindi naman si Juliana ang pinatutungkulan nito.

Bukod pa rito ay nadamay ang pangalan ni Vice nang i-call out ni Ate Dick o Inah Evans si Juliana sa Twitter.

Si Vice kasi ang manager nito kaya naman hindi maiwasang maiugnay siya sa alaga.

Ngunit mukha namang wala lang kay Vice ang mga isyu at nananatiling kaibigan pa rin ang turing kay Juliana.

Wala namang pahayag si Juliana ukol sa tanong ng mga netizens kung bakit absent siya sa pagbabalik ng “Miss Q&A”.

Related Chika:
Juliana Parizcova Segovia may bwelta sa kasamahang sasampalin daw siya: Tuparin mo po yan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anne Curtis magbabalik na sa ‘It’s Showtime: See you madlang people!

Vice Ganda pinalagan nga ba si Bayani Agbayani sa isyung ‘overtime’?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending