Vhong Navarro inasar si Ruffa Gutierrez sa ex-boyfriend na si John Lloyd Cruz | Bandera

Vhong Navarro inasar si Ruffa Gutierrez sa ex-boyfriend na si John Lloyd Cruz

Therese Arceo |June 25,2022
facebook
share this

Vhong Navarro inasar si Ruffa Gutierrez sa ex-boyfriend na si John Lloyd Cruz

Therese Arceo - June 25, 2022 - 11:33 AM

Vhong Navarro inasar si Ruffa Gutierrez sa ex-boyfriend na si John Lloyd Cruz

PASIMPLE ang naging panunukso ng TV host-comedian na si Vhong Navarro sa kaibigang si Ruffa Gutierrez.

Kahapon, June 24 ay ipinagdiwang ni Ruffa ang kanyang ika-48th birthday sa “It’s Showtime” kung saan isa siya sa mga hurado sa segment na “Sexy Babe”.

At habang on-air ang naturang segment ay binati ni Vhong si Ruffa matapos nila itong ipakilala sa madlang pipol at tanungin kung ano ang birthday wish nito.

Nagpasalamat naman ang actress-beauty queen sa noontime show dahil sa mainit nitong pagtanggap sa kanya at feeling niya nga raw ay parte na siya ng mga hosts dahil 1 year na siyang kinukuha ng noontime show para maging judge sa mga segment nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by RUFFA GUTIERREZ (@iloveruffag)

“Dahil birthday mo, Ruffa, may babatiin din ako na nagbi-birthday din ngayon. Happy birthday kay John Lloyd Cruz!” nakangiting saad ni Vhong.

Napasabi na lang ng “grabe” si Ruffa pero binati rin naman niya ito ng happy birthday.

Si John Lloyd ay nagdiwang naman ng kanyang ika-39th birthday.

Curious naman si Ogie kung bakit napasabi ng grabe si Ruffa nang mabanggit ang pangalan ng aktor.

“I forgot kasi. Kung di mo lang… Ikaw kasi nagpaalala sa akin Vhong na birthday din ni John Lloyd today,” pagdepensa ni Ruffa.

Sey naman ni Vhong, “Eh kasi kaibigan ko din kasi yun, e. Parang ikaw din, kaibigan ko.”

“Oo, kaibigan nating lahat. Hello, JL! I hope you’re happy!” sagot ni Ruffa at nagbigay mensahe rin kay John Lloyd.

Muli namang pasimpleng nang-asar si Vhong nang batiing muli si Ruffa.

“Yiiiie… Happy, happy birthday sa ‘yo, Ruffa!”

Matatandaang isa si John Lloyd Cruz sa mga naging wx-boyfriend ni Ruffa Gutierrez sa industriya.

Nagsimula ito nang maging malapit sila sa Pinoy remake ng “I Love Betty La Fea” na pinagbidahan nina Bea at John Lloyd noong 2009.

Bagamat nanatiling lihim, naging magkarelasyon ang dalawa noong March 2009. Kumalat naman ang mga larawan nilang magkasama nang magbakasyon sa Beverly Hills, California noong June 2009.

February 2010 naman nang tuluyang maghiwalay ang dalawa dahil ayon kay Ruffa, tutol ang ABS-CBN management sa kanilang relasyon.

Sa kabila nito ay in good terms at nanatili in good terms ang dalawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Ruffa umamin na sa tunay na relasyon nila ni Herbert: #1 sa puso ko!

Vhong excited na sa pagbabalik ng madlang pipol sa studio ng ‘Showtime’: Soon mangyayari na yan!

Vhong napaiyak nang bigyan ni Willie ng P1-M bilang tulong matapos mabugbog at maospital

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending