Ivana pinasundo ang helper gamit ang chopper, tinupad ang pangarap na magpaayos ng ilong | Bandera

Ivana pinasundo ang helper gamit ang chopper, tinupad ang pangarap na magpaayos ng ilong

Therese Arceo |June 15,2022
facebook
share this

Ivana pinasundo ang helper gamit ang chopper, tinupad ang pangarap na magpaayos ng ilong

Therese Arceo - June 15, 2022 - 04:56 PM

Ivana pinasundo ang helper gamit ang chopper, tinupad ang pangarap na magpaayos ng ilong

MALA-FAIRY godmother ang ganap ng Kapamilya actress na si Ivana Alawi matapos nitong tuparin ang matagal nang pangarap ng kanilang kasama sa bahay na si Mae.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)

Sa kanyang YouTube vlog na in-upload kahapon, June 14, ibinahagi niya ang matagal nang pangarap ng isa sa kanyang assistants.

Pagkukwento ni Ivana, isa daw kasi sa mga insecurities ni Mae ang ilong nito lalo na at madalas itong ma-bully simula pa noong bata dahil “pango” raw ang ilong nito.

Nilapitan daw siya nito at nakiusap na tulungan siya sa pagpapagawa ng kanyang ilong at paunti-unti na lang raw na huhulugan ang bayad.

Sa katunayan ay pinasundo pa nga ni Ivana ang kanilang katuwang sa bahay sa isang chopper dahil kasalukuyang nagbabakasyon ito sa isang beach sa Batangas.

Sa una ay tila galit-galitan si Ivana at kinumpronta si Mae sa paraan ng pakikitungo nito sa iba pang mga tao sa bahay.

Nang umiiyak na itong nagpapaliwanag ay sinabi na ni Ivana na ipapagawa na nito ang kanyang ilong.

“Ang importante sa akin ay makapagpasaya ng tao. Sa mga against sa pagpaparetoke, okay lang naman kung dream talaga nung tao kasi hindi naman namin pinipilit or ano,” paliwanag ni Ivana.

“It’s her body and gagawin ko ‘yung makakapagbigay sa kanya ng confidence at kung anong makakapagpasaya sa kanya,” dagdag pa niya.

Labis naman ang pagpapasalamat ni Mae sa kabutihang ipinakita sa kanya ni Ivana.

Bukod sa planong pagtupad ng pangarap no Mae ay balak rin kasi ni Ivana na i-prank ang kapatid at ang ina dahil ayaw ng mga ito na baguhin ang kanyang ilong kahit na ang wish niya noon ay maging kapareha ang ilong ni Liza Soberano.

Nang sumakay sila sa sasakyan ay in character na si Ivana para lokohin ang kapatid at kunyari nga’y bagong retoke siya.

Tila hindi naman nagustuhan ng kapatid nitong si Hashim ang kanyang “pagpaparetoke” at nanahimik na lang.

“I’m shocked kasi maganda naman ang ilong mo dati. Why would you? Weren’t you happy with your nose before?” saad ni Hash.

Sa huli ay sinabi na nila na prank lang ito at nagpa-prosthetic lang siya para maging makatotohanan ang kanyang prank.

Related Chika:
Ivana walang kalandiang dyowa: Hindi ako naghahanap, hindi rin ako nagmamadali

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ivana: Kung may nilabag akong batas, eh di kasuhan na lang nila pero lalaban ako

Ivana Alawi, Marco Gumabao magdyowa na nga ba?

Bakit ilang beses nang nagparetoke ng ilong at boobs si Kitkat?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending