Cristine Reyes, Ella Cruz bibida rin sa pelikulang ‘Maid in Malacañang’
KALAT na sa social media na gaganap bilang Imee Marcos ang aktres na si Cristine Reyes samantalang si Ella Cruz naman ang gaganap na Irene Marcos sa upcoming Viva film na “Maid in Malacañang”.
Matatandaang nauna nang ianunsyo na si Ruffa Gutierrez ang gaganap bilang si Imelda Marcos habang ang mag-ama naman in real life na sina Cesar Montano at Diego Loyzaga ang gaganap rin bilang sina Ferdinand Marcos Sr. at Bongbong Marcos.
Nauna na naming naisulat dito sa Bandera na iikot ang istorya ng naturang pelikula sa mga nagaganap sa palasyo noong huling 3 araw bago ang EDSA People Power Revolution na naging dahilan ng pagkakaalis sa pamamahala ng pamilya Marcos base sa “reliable source”.
View this post on Instagram
Ang naturang “maid” sa Malacañang ang tinuturong “reliable source” ng mga netizens bagamat wala pa naman talagang direktang sinasabi ang direktor ng pelikula na si Darryl Yap kung ganoon nga ang mangyayari sa pelikula.
Paglilinaw rin ng direktor, ang pelikulang “Maid in Malacañang” ay hindi historica revisionism kung hindi pagkukuwento lamang daw ng “other side of the story”.
Labis naman ang pasasalamat ni Darryl sa pagtitiwala sa kanya ng Viva para i-direk ang naturang upcoming film.
“Maraming Salamat sa aking Viva Entertainment family, to the del Rosarios, Tita June Torrejon-Rufino and to all my bosses!” saad niya.
Samantala, curious ang mga netizens kung sino nga ba ang gaganap bilang “maid” sa naturang pelikula ngunit matunog ang pangalan nila Toni Gonzaga at Juliana Parizcova Segovia sa mga posibleng gumanap sa role.
Related Chika:
Diego Loyzaga, Cesar Montano bibida rin sa ‘Maid in Malacañang’
Ruffa Gutierrez gaganap nga ba bilang Imelda Marcos sa ‘Maid in Malacañang’?
Andrea Brillantes na-prank, kinilig sa DonBelle: Na-realize ko kung anong date ngayon
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.