Diego Loyzaga, Cesar Montano bibida rin sa 'Maid in Malacañang' | Bandera

Diego Loyzaga, Cesar Montano bibida rin sa ‘Maid in Malacañang’

Therese Arceo |June 10,2022
facebook
share this

Diego Loyzaga, Cesar Montano bibida rin sa ‘Maid in Malacañang’

Therese Arceo - June 10, 2022 - 09:28 AM

Diego Loyzaga, Cesar Montano bibida rin sa 'Maid in Malacañang'
KALAT na kalat na sa social media ang larawan na ibinahagi ng VinCentiments director Darryl Yap kung saan makikita ang mag-amang sina Diego Loyzaga at Cesar Montano na bibida sa upcoming Viva film na “Maid in Malacañang”.

Base sa larawan na posted sa Facebook account ng direktor, gaganap na mag-amang Marcos ang dalawa na mag-ama rin talaga in real life.

Si Cesar ang gaganap na si Ferdinand Marcos Jr. habang si Diego naman ang gaganap bilang si President-elect Bongbong Marcos.

Nauna nang mapabalita na ang beauty queen-actress na si Ruffa Gutierrez ang gaganap bilang dating first lady na si Imelda Marcos.

Ang kwento raw ng pelikula pagbibidahan nina Cesar, Diego, at Ruffa ay iikot sa naganap na “last 72 hours of the Marcoses inside the Palace through the eyes of one reliable source” noong taong 1986.

Samantala, wala pang detalye kung sino ang tinutukoy at gaganap na “maid” sa naturang pelikula ngunit matunog ang pangalan nina Toni Gonzaga at Juliana Parizcova Segovia na hula ng mga netizens na posibleng gumanap sa role.

Matatandaang si Diego ay anak ni Cesar sa aktres na si Teresa Loyzaga.

Mukhang smooth sailing na talaga ang relasyon ng mag-ama na recently lang rin nang muling magkabati matapos ang ilang taong hindi pagpapansinan.

Matatandaang noong Marso nang mag-post si Diego sa kanyang Instagram account patungkol sa pagkikitang muli ng dalawa na nag-basketball.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Diego 🪬 (@diegoloyzaga)

“7 years is a long time for a son not to see his father. After seven years, after mistakes, God made a way to bring us together again. I apologise for the impulsiveness of my youth. If we could take back the words and the distance and the time wasted, I would. One thing we can do is make up for it. It was so good to see you and play ball with you today,” pagbabahagi ni Diego.

Related Chika:
Ruffa Gutierrez gaganap nga ba bilang Imelda Marcos sa ‘Maid in Malacañang’?

Diego mas naging malapit uli kay Cesar nang dahil sa COVID; balak humingi sa ama ng acting tips

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Cesar sa bashers: Hintayin na lang po natin kapag nakaupo na si Sen. Robin, it’s unfair to judge him now

Diego, Angelina, Sam, Chesca nakipag-bonding kay Cesar Montano, Sunshine Cruz nag-react

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending