‘Maid in Malacañang 3’ hold muna; Imee pinayuhan mga kandidatong artista
HOLD muna ang pelikulang “Maid In Malacañang 3″ na pagbibidahan sana nina Aga Muhlach, Cesar Montano at Ruffa Gutierrez.
Nauna nang nabalita na sa Hawaii pa dapat kukunan ang kabuuan ng naturang pelikula na may titulong “Mabuhay, Aloha, Mabuhay” na mula pa rin sa direksyon ni Darryl Yap.
Ito ang ikatlong installment sana ng “Maid in Malacañang” movie under Viva Films and VinCentiments.
Ayon kay Sen. Imee Marcos, super busy na raw kasi niya ngayon at inabot na rin ng eleksyon, “Tinamad na kami, eh. Nagkabisi-bisihan na.”
Nakachikahan namin at ng ilan pang entertainment editor ang senadora sa naganap na Pandesal Forum sa Kamuning Bakery sa Quezon City sa pangunguna ng owner nitong si Wilson Flores.
Baka Bet Mo: Darryl Yap may 3 eksenang pinutol sa ‘Maid In Malacañang’: OK lang yung napapagalitan ako, wag lang mademanda
Taong 2022 nang ipalabas sa sinehan ang blockbuster hit na “Maid in Malacañang” na sinundan ng “Martyr or Murderer” noong 2023. Ang “Mabuhay, Aloha, Mabuhay” ang huling bahagi ng trilogy film ni Direk Darryl.
Ngunit nilinaw naman ni Sen. Imee na matutuloy pa rin ang naturang pelikula buy definitely, hindi na ito maipapalabas ngayong taon o sa 2025.
View this post on Instagram
Tungkol naman sa napapabalitang pagsasalin ng “Maid in Malacañang” sa isang serye, pinag-uusapan pa lang daw nila ang tungkol dito, “Marami kasing may iba’t ibang idea, pero hindi pa namin alam, eh.”
Samantala, natanong din sa Pandesal Forum si Sen. Imee kung ano ang masasabi niya na tila mas maraming celebrity ngayon ang tatakbo sa midterm elections next year.
Aniya, wala namang problema o isyu sa kanya ang pagtakbo ng mga artista sa eleksyon. In fact, naniniwala siya na may malaking advantage ang mga ito pagdating sa kampanya.
“Ang hirap-hirap magkampanya sa buong kapuluan. So ‘yung pagkakakilala sa artista ay bentahe talaga. Malaking bagay talaga sa pangalan, sa pagkilala. Hindi ka na mangangampanya, kasi kilalang-kilala ka na.
“Ang hirap kasing umikot. So talagang may bentaheng malaki. Ang akin na lamang, demokrasya na ito. Kaya lahat ay tatakbo. ‘Yung gusto natin, eh. siyempre sundan natin. ‘Yung iba, takbuhan natin palayo,” aniya.
May paalala naman siya sa mga kakandidatong celebrities sa 2025, “Gamitin ang plataporma ng politika para makatulong sa tao. Mag-aral nang maigi, makinig nang puspusan at isipin na hindi lamang pangsarili ang posisyon kundi serbisyo-publiko talaga.”
Samantala, isa pa sa pinagtutuunan ng pansin ngayon ng senadora ay ang kanyang project na Young Creatives Challenge kung saan hahamunin ang mga Pinoy na maipakita sa buong universe ang kanilang mga talento.
Nasa Season 2 na ang “YCC” kung saan aabot sa P1 million ang grand prize na ipagkakaloob sa mga mananalo sa bawat kategorya tulad ng songwriting, screenwriting, playwriting, graphic novels, animation, game development, at online content creation.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.