Darryl sa skincare ni Chloe: Alam n'yo na pano kakapal mukha n'yo

Darryl Yap sa skincare ni Chloe: Alam n’yo na paano kakapal mukha n’yo

Therese Arceo - September 11, 2024 - 08:08 PM

Darryl Yap sa beauty tip ni Chloe: Alam n'yo na paano kakapal mukha n'yo

MULI na namang binanatan ng kontrobersyal na direktor na si Darryl Yap ang dyowa ni Carlos Yulo na si Chloe San Jose.

Sa kanyang Facebook page ay ibinahagi nito ang video ng interview ng dalaga kung saan nausisa siya kung ano ang kanyang skincare routine.

Tila hindi pa rin natatapos ang iringang ng dalawa online dahil negatibo pa rin ang komento ni Darryl sa kanyang shared post.

Sa naturang video clip ay inilahad ni Chloe ang mga ginagamit niya sa kanyang mukha gaya ng cleansing balm, foam cleanser, toner, serum, moisturizer at sunscreen.

Baka Bet Mo: Pag artista ka tapos nagpalaglag, bawal magpaka-cool! – Darryl Yap

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Ito nga ay ibinahagi ni Darryl na may nakakatawang caption na, “Alam nyo na paano kakapal ang mukha nyo.”

Umani nga ito ng samu’t saring komento mula sa madlang pipol ang naturang post ng direktor.

“hirap nito magsalita parang ang sakit sa pisngi yung pinipilit mo mgsalita while naka smile ngpapa cute anu,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Apaka bitter nitong darryl na to hayaan mo yung tao.”

“Skincare na nakakapasma ng bunganga,” chika pa ng isa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa comment section naman ay tila binawi naman ni Darryl ang kanyang naunang caption.

“Gaganda. Sorry, nakaAuto yung Kakapal,” sey ng direktor.

Para sa mga hindi aware, si Darryl Yap ang direktor sa kontrobersyal na pelikulang “Maid in Maacañang”.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending