Relasyong Elijah-Miles last year pa, amin ng aktor: Nagki-keep lang po ng privacy | Bandera

Relasyong Elijah-Miles last year pa, amin ng aktor: Nagki-keep lang po ng privacy

Reggee Bonoan - May 28, 2022 - 06:09 PM

Relasyong Elijah-Miles last year pa, amin ng aktor: Nagki-keep lang po ng privacy

SA nakaraang livestreaming nina Elijah Canlas at Kokoy de Santos para sa “Gamesboys” Season 2 na napapanood na sa Vivamax at KTX.ph ay walang nagtanong tungkol sa lovelife ni Cairo bilang respeto kay Gavreel.

Bukod dito ay nalaman din namin na in case may maligaw na tanong ay hindi rin daw ito sasagutin ni Elijah (Cairo) dahil may iba rin siyang project na iba ang katambal.

Pero sa panayam nina Elijah at Kokoy kay Ogie Diaz para asa vlog nito na in-upload nitong Biyernes ng gabi ay hindi na nakaligtas ang una at tahasan na nitong inaming girlfriend niya ang aktres na si Miles Ocampo noong nakaraang taon pa.

Sa pagkakatanda namin ay nasulat na namin dito sa BANDERA noong nakaraang taon din na patanong kasi nga at that time ay hindi pa handang umamin ang dalawa.

At dahil sa karakter nina Cairo at Gavreel sa Gameboys na may relasyon ay nabanggit ni vlogger host na kilala niya ang mga girlfriend ng dalawa at dito na niya binanggit na, ‘may mga nagtatanong, sina Elijah at Miles na ba?’

“Opo kami na. I mean, she’s the best! Don’t know what to say swak kami, we’re on a good place we’re very happy,” diretsong sagot ng binata.

‘First time mong inamin?’ balik-tanong ni Ogie.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Elijah Canlas (@elijahcanlas)

 

“First time ko yatang inamin (nakatawa). Di ba (sabay lingon kay Kokjoy) first time?” tumatawang sabi ni Elijah.

Sabay sabi pa, “ako naman po it’s my life (pinakita larawan nina Elijah at Miles), our lives. We don’t have to share everything that we do or parang paano nagsimula basta I think the fans and supporters would also appreciate the fact that we’re happy. We’re really in a good place.”

Ipinakita ang mga masasayang memories nina Elijah at Miles kasama ang kanilang mga kaibigan at pamilya.

‘Gaano na kayo katagal?’ tanong ni Ogie.

“Parang last year pa po kami, eh,” kaswal na sagot ng binata.

Hirit ni Ogie, ‘naku ‘yang si Miles ha, lagot ka sa akin.”

Natawa naman si Elijah sa pahayag ng vlogger/talent manager.

Sabay sabi ni Ogie, “kasi dini-deny sa akin ni Miles, ha, ha, ha.”

Pagtatanggol naman ni Elijah sa kasintahan, “kasi po very private person talaga kaming dalawa, so, hindi pa namin alam kung paano. E, ako hindi rin ako ma-post sa social media talaga, so, hindi ko alam ‘yung galawan. Siya ‘yung mas may alam, so, ‘yun lang nagki-keep lang po ng privacy.”

Naintindihan naman ito ni Ogie at iginagalang niya ang young lovers.

“Ha, ha, e, ‘yung pagkatapos kong alamin tapos iginagalang ko, ha, ha, ha,” natawang sabi ng host.

Related Chika:
‘Gameboys 2’ nina Elijah at Kokoy mas maraming pasabog; magsasama na sa bahay

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kokoy, Elijah may chance magkagustuhan in real life?

Elijah Canlas kay Miles Ocampo: My favorite person in the world!

Miles Ocampo, Elijah Canlas magdyowa na; nagkadebelopan dahil sa tuksuhan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending