Vice Ganda namigay ng pera sa mga 'It's Showtime' staff and crew: P5,000 bawat isa! | Bandera

Vice Ganda namigay ng pera sa mga ‘It’s Showtime’ staff and crew: P5,000 bawat isa!

Therese Arceo |May 21,2022
facebook
share this

Vice Ganda namigay ng pera sa mga ‘It’s Showtime’ staff and crew: P5,000 bawat isa!

Therese Arceo - May 21, 2022 - 01:01 PM

 

Vice Ganda

LABIS ang ginawang pagpapasaya ni Unkabogable Star Vice Ganda sa kanyang “It’s Showtime” damily matapos nito magpamahagi ng pera sa lahat ng staff at crew ng kanilang noontime show nitong Biyernes, May 20.

Sa pagsisimula ng kanilang segment na “Showtime Sexy Babe” ay nagparinig na ang mainstay host patungkol sa “additional incentive” na balak niyang ibigay sa mga cameramen.

Saad ni Vice, “Nag-meeting kasi kami ng mga cameramen tapos sabi ko parang kailangang ayusin na natin ang mga benefits n’yo kaya nag-usap usap lang kami. 13 years here in Showtime, I have seen how the cameramen work. They’ve been working so hard, they have sacrificed a lot. They deserve additional incentive.”

Labis labis ang generosity na nararamdaman ni Vice Ganda at inisa-isa na ring banggitin ang lahat ng mga department na responsable sa buong show gaya ng mga audiomen, lightmen, art and music department, writers, wardrobe, at iba pa.

Kaya naman nabuhayan ang mga staff nang tanungin ng komedyante kung ilan ba ang lahat ng mga staff and crew na bumubuo sa “It’s Showtime”.

“Sa araw na ito, yang isang daang mahigit na empleyado ng Showtime… First time ko lang to gagawin ha. Hindi ko ito laging ginagawa. I will pray for you. I will pray for you guys,” birong sambit ni Vice.

Ngunit makalipas ang ilang minuto ay nagseryoso na ito at tinanong kung ilan ba ang eksaktong bumubuo ng programa.

Sinabi naman ng isa sa mga staff na nasa 130 ang buong bilang ng mga bumubuo ng noontime show.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)


Dito na nga nagsigawan ang mga nasa studio habang sabay sabay na sinasabi ang pangalan ni Vice pagkatapos ay iniwan na rin siya sa stage nina Ogie at Vhong para sa mahalagang anunsyo nito sa lahat.

“Sa buhay, hindi puwedeng ikaw lang maganda. Hindi mo maa-appreciate ‘yung ganda mo kung ang nakapaligid sa ‘yo, hindi naman naaabutan ng ganda,” sey ni Vice.

Matapos nito ay nagtanong siya kung magkano ang 130 times 5.

“Kaya ngayon pa lang, Showtime staff, 130 people, lahat kayo makakatanggap ng Merry Christmas from Vice Ganda.

“Maganda ang gising ko. Yung 130, the staff, lahat kayo makakatanggap ng PHP5,000 each.”

Nagdiwang naman ang lahat ng mga nasa studio dahil sa maagang pamasko ni Vice sa buong “It’s Showtime” staff.

“I love you, Showtime family. You have been very kind to me and I woke up today realizing that I have been so blessed to have you. I just want to put a little smile on your faces today,” seryosong sabi ng Unkabogable star.

Namigay rin ito ng P10,000 para sa limang maswerteng mapipiling madlang pipol sa social media.

Related Chika:
Kisses naiyak dahil sa staff ng Miss Universe PH; Kiray may inamin sa ‘TBATS’ tungkol sa gwapong BF

Willie kailangang magbawas ng staff sa ‘Wowowin’, balak mag-live show sa Puerto Galera

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jugs Jugueta pinagtanggol si Vice Ganda; Lolit Solis sumagot

Vice Ganda nilektyuran ni Arnell Ignacio tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending