Kisses naiyak dahil sa staff ng Miss Universe PH; Kiray may inamin sa 'TBATS' tungkol sa gwapong BF | Bandera

Kisses naiyak dahil sa staff ng Miss Universe PH; Kiray may inamin sa ‘TBATS’ tungkol sa gwapong BF

Ervin Santiago |October 03,2021
facebook
share this

Kisses naiyak dahil sa staff ng Miss Universe PH; Kiray may inamin sa ‘TBATS’ tungkol sa gwapong BF

Ervin Santiago - October 03, 2021 - 09:17 AM

Kiray Celis, Stephan Estopia at Kisses Delavin

TANGGAP naman ng young actress at dating “Pinoy Big Brother” housemate na si Kisses Delavin ang kanyang pagkatalo sa 2021 Miss Universe Philippines pageant.

May isang video kasi na kumalat sa social media kung saan makikitang umiiyak ang dalaga pagkatapos nga ng kanyang journey sa nasabing national beauty contest.

Para sa mga hindi pa nakakapanood ng video, napaluha si Kisses habang nagpapasalamat sa lahat ng staff at crew ng Miss Universe Philippines organization habang ginaganap pa ang grand coronation night.

Aniya, hinding-hindi niya makakalimutan ang ginawang pag-aalaga at pag-aasikaso ng organizers sa lahat ng kandidata, “Thank you, sobrang pinadali n’yo ‘yung buhay namin dito. Thank you, ha!” 

Isang staff naman ng nasabing pageant ang kumausap kay Kisses at sinabihan siya ng, “You did your best. We love you. You’re still a winner.” 

In fairness naman sa aktres, talagang lumaban siya nang bonggang-bongga at hindi rin nagpatalbog sa kanyang mga kalaban.

Ito ang unang pagkakataon na sumali siya sa national pageant at pumasok naman siya sa Top 10 ng 2021 Miss Universe Philippines. Isa rin siya sa early favorite ng netizens at ilang beses ding umariba sa mga online challenges.

Ngunit kung natalo man si Kisses, parang nanalo na rin siya sa mga natanggap na papuri mula sa mga kapwa niya celebrities kabilang na riyan si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo.

“@kissesdelavin Remember that you did well tonight. Continue to be kind and I’m looking forward to see you join again. Ate Rab loves you,” ang mensahe ni Rabiya kay Kisses na kanyang ipinost sa Instagram kalakip ang litrato nila together na kuha sa backstage noong coronation night.

Sabi naman ni Binibining Pilipinas Universe Philippines 2014 na si MJ Lastimosa sa kanyang tweet, “Kisses visited our room last night and had a night cap chika while taking off our make up..till super late smiling face with tear First time to meet her in person and this girl is a gem. Now I understood why she’s loved by many.” 

* * *

Sa kauna-unahang pagkakataon, makakasama ni Kiray Celis ang kanyang boyfriend na si Stephan Estopia sa isang guesting niya sa programa ng GMA 7 on national TV.

Siguradong kikiligin kayo sa katatawa sa isa na na namang riot na episode ng “The Boobay and Tekla Show” ngayong gabi kasama ang pambatong comic duo ng Kapuso network.

Makakasama nga ng Kapuso comedienne na si Kiray Celis ang kanyang non-showbiz dyowa na si Stephan na tiyak na magbibigay ng saya at kilig sa mga manonood.

Sa interview segment na “May Pa-Presscon,” ikukuwento ng magdyowa kung paano nag-start ang kanilang love story.

Totoo bang isang kaso ng rebound relationship ang nangyari sa kanilang dalawa — na dumaan sa maraming pagsubok ngunit nananatiling matatag at malakas.

Mas makikilala naman sina Kiray at Stephan sa pamamagitan ng mga nakakatawang istorya at nakagugulat na trivia sa bukingan segment na “LoveLagan Na.”

Sa “Hugot Showdown” naman, ipapamalas nina Boobay, Tekla, Kiray, Stephan, at ng Mema Squad na sina Pepita Curtis, Ian Red, Kitkat, at Buboy Villar ang kanilang galing sa pag-deliver ng “hugot” line para sa isang tao sa kanilang nakaraan.

Maliban dito, kakanta rin sila ng isang hugot song para sa taong iyon. Kaabang-abang ‘di ba?

Ang paboritong segment ng mga manonood na “Don’t English Me” ay muling nagbabalik para wakasan ang isang masaya na Sunday night.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya huwag aabsent sa isa na namang super fresh episode ng “The Boobay and Tekla Show” ngayong Linggo, 10:15 p.m. pagkatapos ng “Kapuso Mo, Jessica Soho.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending